Related Articles
Memorandum Circular No. 7 s 2020 Paglilinaw Higgil sa Quarantine Pass
MEMORANDUM SIRKULAR BLG. __ T. 2020
PARA SA : LAHAT NG MGA PRIBADO AT PUBLIKONG ESTABLISYIMENTO
LAHAT NG BALIWAGENYO
MULA SA : TANGGAPAN NG PAMBAYANG TAGAPANGASIWA
PAKSA : PAGLILINAW HINGGIL SA MGA QUARANTINE PASS
PETSA : IKA- 13 NG ABRIL 2020
Ang memorandum na ito ay inilabas upang magkaroon ng kalinawan sa kaibahan ng mga quarantine pass na inilalabas ng Pamahalaang
Bayan ng Baliwag.
Bilang pagtupad sa mga probisyon ng Memorandum ng Pangkalahatang Kalihim ng Pilipinas at ng R.A 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act, ang ating Lokal na Pamahalaan ay nagpalabas ng iba’t-ibang uri ng pass upang magkaroon ng pagkakakilanlan ang mga itinuturing na exempted sa Enhanced Community Quarantine at Lockdown. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Home Quarantine Pass (HQP) – Ang ulo ng bawat household ay nagkaroon ng isang HQP, ang sino mang may hawak ng HQP ang siyang maaring lumabas sa kanilang tahanan upang mamili sa pamilihang bayan at makipagtransaksyon sa mga bukas na establisyimento sa araw ng kanilang
cluster.
Bisa: Mula 5:00 AM hanggang 3:00 PM, araw ng naka talaga nilang cluster. Tanggapang nag-iisue: Barangay Hall
Task Force COVID-19 Frontliner’s Pass (FP)- Ang uri ng pass na ito ay inilabas para sa lahat ng mga kabilang sa itinatangi ng mga batas na isinaad sa itaas na direktang kabilang sa mga programa laban sa COVID-19, kabilang dito ang mga empleyado ng mga ospital, mga piling kawani ng pamahalaang bayan, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection.
Bisa: Dalawampu’t Apat (24) na oras sa isang araw, mula Lunes hanggang Linggo. Tanggapang nag-iisue: Tanggapan ng Punongbayan
3. Traveler’s Pass (TP)- Ang uri ng pass na ito ay inilabas upang magkaroon ng pagkakakilanlan ang mga indibidwal na kabilang sa mga establisyimento at mga negosyong itinatangi ng mga batas na nabanggit sa itaas, kabilang dito ang mga establisyimento at negosyanteng nasa linya ng medical
supplies, deliver of goods, security agencies, utility companies atbp.
Bisa: Alinsunod sa Executive Order No. 18. S. 2020
Tanggapang nag-iisue: Business Permit and Licensing Office/ Investment Promotions Unit
4. Special Travel Pass / Certificate of Engagement- Ang travel pass ay inilalabas para sa mga suppliers ng pamahalaang bayan, kabilang na dito ang mga nag dedeliver ng mga gamit sa relief operation, disinfection materials atbp. Samantala, ang Certificate of Engagement naman ay para sa mga
indibidwal o korporasyon na mag bibigay ng kanilang donasyon sa Bayan ng Baliwag.
Bisa: Panandalian, batay sa nakasaad sa sertipiko.
Tanggapang nag-iisue: Tanggapan ng Pambayang Tagapangasiwa
5. Hospital Pass- Ito ang uri ng pass na ibinibigay ng ospital sa bantay ng kanilang mga naka-admit na pasyente. Limitado lamang ito sa isang pass bawat isang pasyente. Ito ay nagbibigay ng kapahintulutan sa mga taga karatig-bayan at mga Baliwagenyo na may pasyente sa alinmang ospital sa Bayan ng Baliwag. Ang hospital pass ay hindi maaaring magamit upang mamili sa Pamilihang Bayan.
Bisa: Panandalian, batay sa bilang ng araw ng confinement ng pasyente. Tanggapang nag-iisue: Pamunuan ng Ospital
PATNUBAY:
1. PARA SA MGA PASS HOLDERS
Ang bawat pass holders ay mahigpit na pinaaalalahanan na panatilihing may dalang valid IDs para sa beripikasyon ng katauhan. Ang ano mang uri ng pass ay pribilehiyo at ano mang pag abuso sa paggamit nito ay magbibigay pahintulot sa pamahalaan na bawiin ang pass o di kaya ay panagutin sa batas ang may hawak nito.
2. PARA SA MGA ESTABLISYIMENTO
Ang lahat ng establisyimento ay inaatasan na pairalin ang pagsusuri sa mga papasok sa bawat nasasakupan. Huwag pahintulutan ang mga indibidwal na walang pass o di kaya ay hindi nakatakdang cluster sa araw ng pagpunta.
Para sa inyong mahigpit na pagtalima.
ENRIQUE V. TAGLE
Pambayang Tagapangasiwa
Baliwag’s Top 50 Income Contributors released. Top 15 to be recognized on May 25 during Dangal ng Baliwag and Partners’ Night
The Municipality of Baliwag will honor its top 15 income contributors as a way of thanking them in making sure that their local government will be able to do its job in especially on four core sectors such as disaster preparedness and resiliency, public order and public safety, environment protection and climate change adapatation, strengthening […]
Green School Canteens Program ng Baliwag, INILUNSAD NA!
Advertisements Ika-11 Hulyo, 2017. Mainit ang pakikiisa ng mga guro at mga PTA Presidents mula sa mga pribado at pampublikong paaralan sa elementarya sa ginanap na Launching ng Green School Canteens Program sa Baliwag South District. Pinangunahan ang launching at orientation na ito ng ating Population and Nutrition Office, bilang ito’y isa sa mga aktibidad sa pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon. Ang programang ito ay alinsunod […]