Baliwag News Service

2018 in Review: Buhay na Buhay ang Diwa ng Dugong Baliwag, Pusong Baliwag

Ang pagkilala kay Emmanuel, Danilo at Marcelino ay pagkilala sa diwa ng dugong Baliwag, Pusong Baliwag dahil iyan ang pinakabuod ng mga salitang iyan…ang dugong Baliwagenyo ay may malasakit sa kapwa niya Baliwagenyo; hindi niya ito pagmamalabisan bagkus ay bibigyan; hindi pagdadamutan; bagkus ay bukas-palad; hindi gagawin ang tama kung may nakakakita lamang bagkus gagawin niya ang tama sa lahat ng panahon; hindi pagnanakawan bagkus ay pagmamalasakitan; at hindi papatay bagkus ay handang ibigay ang sarili  para sa iba o sa bayan. Iyan ang pusong Baliwag.

Advertisements