Related Articles
BALIWAG LGU finalizes Annual Investment Plan 2018, ECCD Board to reconvene.
Advertisements The Management Committee of the Local Government Unit of Baliwag will meet early today, July 7, Friday to finalize its Annual Investment Plan. Some major additions are to be expected due to the expected partial reorganization with old plantilla positions to be dissolved and new ones to be created. Reforms in the Social Protection […]
Executive Order no. 15A – An Order Supplementing EO15s2020 Providing the Municipality of Baliwag a Comprehensive Covid19 Prevention, Control and Management Program
Ang Atas Tagapagpaganap na ito ay pangalawa sa Executive Order na Inisyu ng Tanggapan ng Punongbayan kaugnay sa Pamamahala, Pag-iwas sa Nakakahawang Sakit na Covid19. Sa kasalukuyan ay umiiral ang ilang probisyon dito ngunit may ilang probisyon din naman ang binago na ng Executive Order no. 18
Bakit Hindi Normal ang Pagkolekta sa Basura?
PAHAYAG MULA SA TANGGAPAN NG PUNONGBAYAN UKOL SA IREGULAR NA PAGHAKOT NG BASURA
– Ang dahilan ay ang pagkasira ng kalsada papunta sa Sanitary Landfill sa Norzagaray. Ang ganitong sitwasyon ay hindi na bago sa atin.
– Kinakailangan na mahigpit na maipatupad ang segregation policy sa pagkolekta ng basura.
– bukod sa mataas na gastusin sa pagtatapon ng basura na dapat sana ay maiuwi sa ibang programa.
– kailangan na nating ipatupad ang NO SEGREGATION, NO COLLECTION POLICY
– mula June 6 hanggang June 27 ay magsasagawa ng massive information education campaign at ipapalabas ang araw at oras ng hakot sa bawat lansangan, purok at barangay.
– mula June 28 ang simula ng mahigpit na pagpapatupad. Magkakaroon ng isang araw na koleksyon para sa nabubulok, isang araw para sa hindi nabubulok – nareresiklo; at isang araw para sa hindi nabubulok na residual at hazardous waste
– may mga kawani ng PAMAHALAANG BAYAN ang magnomonitor kung tama ang mga basurang isasakay sa truck. Kung may nahalo ay ibabalik ito.
– kung hindi susunod ay bibigyan ng ticket at pagmumultahin batay sa isinasaad ng ordinansa
– ang mga establisyimento, paaralan at institusyon ay pinagtatayo rin ng mga sariling MRF. Kung malaki ang volume ng basura ay kailangan na magkaroon ng private hauler.
– ang mga paaralan ay kailangan magpatupad ng ZERO WASTE.
– patuloy na ipinagbabawal ang styro, single use plastic
– gumamit ng mga reusable bags kung mamimili sa grocery at supermarket.
– kung nais magpatraining ay maaaring magsadya sa Baliwag Climate Change Center LUNES HANGGANG BIYERNES.