Related Articles
Bakit Hindi Normal ang Pagkolekta sa Basura?
PAHAYAG MULA SA TANGGAPAN NG PUNONGBAYAN UKOL SA IREGULAR NA PAGHAKOT NG BASURA
– Ang dahilan ay ang pagkasira ng kalsada papunta sa Sanitary Landfill sa Norzagaray. Ang ganitong sitwasyon ay hindi na bago sa atin.
– Kinakailangan na mahigpit na maipatupad ang segregation policy sa pagkolekta ng basura.
– bukod sa mataas na gastusin sa pagtatapon ng basura na dapat sana ay maiuwi sa ibang programa.
– kailangan na nating ipatupad ang NO SEGREGATION, NO COLLECTION POLICY
– mula June 6 hanggang June 27 ay magsasagawa ng massive information education campaign at ipapalabas ang araw at oras ng hakot sa bawat lansangan, purok at barangay.
– mula June 28 ang simula ng mahigpit na pagpapatupad. Magkakaroon ng isang araw na koleksyon para sa nabubulok, isang araw para sa hindi nabubulok – nareresiklo; at isang araw para sa hindi nabubulok na residual at hazardous waste
– may mga kawani ng PAMAHALAANG BAYAN ang magnomonitor kung tama ang mga basurang isasakay sa truck. Kung may nahalo ay ibabalik ito.
– kung hindi susunod ay bibigyan ng ticket at pagmumultahin batay sa isinasaad ng ordinansa
– ang mga establisyimento, paaralan at institusyon ay pinagtatayo rin ng mga sariling MRF. Kung malaki ang volume ng basura ay kailangan na magkaroon ng private hauler.
– ang mga paaralan ay kailangan magpatupad ng ZERO WASTE.
– patuloy na ipinagbabawal ang styro, single use plastic
– gumamit ng mga reusable bags kung mamimili sa grocery at supermarket.
– kung nais magpatraining ay maaaring magsadya sa Baliwag Climate Change Center LUNES HANGGANG BIYERNES.
Peer Educators’ Training ng POPCOM Region 3, dinaluhan ng mga Youth Leaders sa Baliwag
Advertisements Isa ang Baliwag sa mga piling bayan sa Bulacan na napili upang dumalo sa Peer Education on Adolescent Health and Development Training ng Commission on Population Region 3. Ang mga kabataang Baliwagenyo ang may pinakamaraming delegado sa nasabing training, na isinagawa mula May 24-26, 2017 sa Balibago, Pampanga. Layunin ng pagsasanay na mas mapalawig […]
Pagtatapos ng Pinakamakulay na Selebrasyon ng Galing at Husay ng Baliwagenyo
Advertisements Kagabi ay tinuldukan ng mga Baliwagenyo ang pinakamalaki, pinakamakulay at pinakamasayang pagdiriwang ng Buntal Festival 2017. Mula sa pagbubukas hanggang sa koronasyon ng Ginoo at Binibining Baliwag 2017 ay atin ngang nasaksihan ang iba’t-ibang programa na magkakatuwang na inihanda ng Lokal na Pamahalaan ng Baliwag, Globe Telecoms, SM City, Pamahalaang Barangay ng Tarcan, KServico […]