Bringing Baliwagenews, Online, On time. Keeping every BaliwageKnow, informed.
Baliwag News Service

Sunog sa Brgy. Subic, agad naapula dahil sa Serbisyong Magkakatuwang

Isang tawag ukol sa sunog sa Brgy. Subic ang agad nireport ng PACC sa Baliwag BFP at Baliwag MDRRMO nito lamang ika-9 ng umaga, araw ng Byernes (Pebrero 15, 2019). Agad naman itong tinugunan ng mga nasabing tanggapan at humingi na rin ng kaagapay sa ilang Fire Volunteers at karatig bayan tulad ng San Rafael […]

Advertisements
Baliwag News Service

2 residential unit, natupok sa pagpasok ng unang linggo ng taon

Wala man naitalang namatay o napinsala dahil paputok nitong nagdaang bagong taon, ilang sunog naman ang naitala ng Baliwag BFP sa unang linggo pa lang ng pagpapalit ng taon. Isa na rito ang nangyari sa Brgy. Sabang, Baliwag Bulacan na nagmula sa tawag ng Public Assistance and Complaint Center (PACC). Dalawang (2) resedential unit ang […]

Baliwag News Service

Motorcycle rider na bumangga sa Nissan X-trail, patay

Namatay ang rider ng isang motorsiklo habang sugatan naman ang angkas nito makaraang bumangga sa isang Nissan X-trail na pawang walang suot na helmet at nakainom kaninang madaling araw (Setyembre 02, 2018) sa Baliwag flyover, Brgy. Bagong Nayon, Baliwag Bulacan. Kinilala ang rider na si Reynaldo Marcos Y Santiago, 22 anyos, residente ng Bahay-Pare, Candaba, […]

Baliwag News Service

Lider ng mga magnanakaw na may myembrong menor-de-edad, natimbog ng Baliwag PNP

Nito lamang bandang 12:30pm, ngayong araw ng Linggo (August 26, 2018) ay nadakip ng Baliwag PNP ang tinuturing na lider ng isang grupo sa pagnanakaw ng kambing na may mga menor-de-edad na myembro matapos na maaresto sa kanyang tahanan sa Bustos Bulacan. Nakilala ang nadakip na suspek na si Larren Telesporo Y Mendoza alyas Bikoy, […]

Baliwag News Service

8 sa Pulis ng Baliwag, tumaas ang ranggo

Ang nasabing walong (8) pulis ay kinabibilangan nina Police Inspector Victor Alberto; SPO2 Emiliano Jalova Jr.; SPO2 Antoniño Delos Reyes; SPO2 Gilbert Tadeo; PO3 George Jay Cruz; PO3 Christopher Santiago; PO3 Jose Ignacio III at PO3 Richmond Denniez Busine. Inihayag ni PSUPT Marlon Santos, Acting Chief of Police ng Baliwag MPS (Municipal Police Station) ang […]

Baliwag News Service

PAGASA: Panahon ng tag-ulan, nagsimula na

Ayon sa pahayag ng PAGASA, ang malawak na pag-ulan sa loob ng nakaraang mga araw ay nakumpirma na ang pagsisimula ng tag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa. Gayunpaman, ang mga naturang pag-ulan ay maaring sundan ng dry periods o tinatawag ding moonsoon break. Kaya’t palagian ng dalin ang ating mga payong at iba pang panangga sa […]

Baliwag News Service

Aksidente sa bagong bypass, 4 ang patay

Sampu (10) ang sugatan at apat (4) ang naging patay sa aksidenteng naganap kanina lang madaling araw sa kahabaan ng bagong gawang San Roque – Bypass Road  sa San Rafael, Bulacan. Bandang 3:20 ng  madaling araw, nakatanggap ang ating Public Assistance and Complaint Center (PACC) ng tawag mula sa San Rafael PNP tungkol sa isang aksidente […]

Baliwag News Service

Notoryus umanong snatcher, timbog sa kamay ng awtoridad

Kahapon lamang (Mayo 17, 2018) araw ng huwebes ay muling nambiktima ang hinihinalang snatcher sa Brgy. Bagong Nayon alas-tres (3:00) ng hapon sakay ng yamaha na motorsiklo na walang plaka (pink na mio). Isang hand bag ang sapilitang hinablot nito sa babaeng biktima. Nasa kulang 100,000 ang nilalaman nitong pera at mamahaling gamit na may kasamang iba’t […]

Baliwag News Service

Magkasunod na aksidente sa motorsiklo, nirespondehan

Dalawa ang sugatan sa magkasunod na aksidente sa motorsiklo kagabi, araw ng linggo. Sa pagitan lamang ng kulang isang (1) oras ay dalawang tawag ng aksidente sa motorsiklo ang natanggap ng Baliwag Rescue FVE mula sa Public Assistance and Complaint Center (PACC). Una rito ang naganap sa highway ng Brgy. Sta. Barbara, 07:11 ng gabi. […]

Baliwag News Service

Tag-init na!

Wala nang amihan at opisyal na pong simula ng tag-init! Tumigil na ang pag-iral ng amihan o northeast monsoon, ayon sa PAGASA. Asahan na magiging mas mainit pa sa mga susunod na araw dahil sa pamamayani ng ridge ng high pressure area at easterlies. Pero huwag ring magtaka kung umulan, posible pa rin kasi ang […]

Baliwag News Service

Ten wheeler truck sinalpok ng L300

Nito lamang 2:10pm ng hapon, Marso 12, 2018 ay isang aksidente ang nirespondehan ng Baliwag MDRRMO Rescue FVE sa tapat ng Monrovia Court, DRT High-way, Baliwag Bulacan. Isang L300 fb van ang sumalpok sa isang ten wheeler truck sa hindi pa malamang dahilan. Naipit ang driver ng L300 na nasa edad 37 na taga Brgy. Tibag, […]

Baliwag News Service

Poultry Farm, natupok

Isang sunog ang naganap bandang 11:35 ng umaga sa R. Rodrigo Poultry sa DRT Highway. Mabilis na lumaki ang apoy dahil yari ito sa light materials. Sa pangunguna ng ating Punong Bayan Ferdie Estrella ay agad tumulong sa rumesponde ang Baliwag MDRRMO Rescue FVE sa ating Baliwag BFP katuwang din ang San Rafael BFP. 11:40 […]

Baliwag News Service

Magkaangkas na nasuro ng Starex, patay.

Kanina lamang bandang 1:40 ng madaling araw ay may nirespondehan ang Baliwag Rescue FVE mula sa tawag ng Public Assistance and Complaint Center (PACC) sa kahabaan ng Tarcan-Makinabang. Parehong nasa edad 26 ang dalawang (2) lalaki na sinabing nasuro ng Starex ayon sa ilang saksi na pawang residente ng Brgy. Makinabang. Ang dalawa ay tinakbo […]

Baliwag News Service

Lasing na motorista, sanhi ng ilang aksidente sa kalsada

Nito lamang madaling araw ng sabado at linggo ilang aksidente na naman sa single na motor ang narepondehan ng Baliwag Rescue FVE na karaniwang dulot ng matinding pagkalasing. Ang ilan ay nangyari sa kahabaan ng Ultra Mega at Pagala highway. Kadalasang gasgas at ilang bali sa katawan ang karaniwang natatamo ng mga naaksidente. Madalas ang ganitong […]

Baliwag News Service

Balitang Rescue FVE: Dahil sa iniwasang aso, buhay nalagay sa peligro

Isang aksidente ang naganap bandang 9:40 ng gabi, Enero 29. 2018. Ang aksidente ay namataan sa CCTV Monitor ng empleyado ng ating Public Assistance and Complaint Center kaya’t ito ay agad na narespondehan ng Baliwag MDRRMO Rescue FVE at nabigyan ng pangunang lunas. Ang nasabing akidente ay naganap sa tapat ng Baliwag BFP. Itim na Mio […]