Baliwag News Service

Inagurasyon ng Baliwag Animal Care Facility

Advertisements

Noong ika-6 ng Setyembre 2022, isinagawa ang inagurasyon ng ating kauna-unahang Baliwag Animal Care Facility sa Baliwag.

Ito ay pinangunahan ng ating butihing Mayor Ferdie V. Estrella, kasama ang ating mga kawani sa Pambayang Tanggapan sa Pagsasaka at paghahayupan na sina MAO Clemente S. Labao at MVO Reinalyn V. Quinaquin.

Ang pasilidad na ito ay itinayo sa Barangay ng Tarcan na dating lokasyon ng Material Recovery Facility o MRF.

Ang pasilidad na ito ay isa sa mga hakbangin upang mapaigting pa ang kampanya laban sa alpas na aso sa ating bayan