Baliwag Health covid19

UP Manila Pinarangalan ang Baliwag dahil sa mga Best Practices na Ipinatupad ngayong Pandemya

Advertisements

Manila – Kinilala ng University of the Philippines Manila ang Bayan ng Baliwag dahil sa mga programang ipinatupad nito kontra covid19. Sa pamamagitan ng Kilos Komunidad Kontra Covid19, kinilala ng UP Manila ang mga bayan na kinakitaan nila ng maayos, kakaiba at may inobasyon, sistematiko gamit ang datos at maagap na naipatupad. Nakamit ng Baliwag ang ikalawang pwesto at inanunsyo ang mga nagwagi via zoom. Matatandaan na ang Baliwag ay naanyayaban din ng World Health Organization na maging resource lgu para sa non-pharmaceutical interventions.

Panoorin dito ang paggawad sa mga natatanging bayan na kinilala ng UP Manila. UP Manila Kinilala ang Baliwag

Nasa ilalim ng Unibersidad ng Pilipinas Manila ang mga kursong pang-agham at medisina ng UP kabilang na dito ang UP-PGH, isa sa mga pagamutan na nanguna sa laban kontra covid19.