Baliwag News Service Bplo Business friendliness and competitiveness investment promotions national competitiveness

Baliwag Tinanghal bilang 2nd Most Competitive 1st Class Municipality sa 2021 CMCI

Advertisements

Makati City – Muling kinilala ng Department of Trade and Industry Competitiveness Bureau at  mga ahensiyang kabilang sa dating National Competitiveness Council tulad ng Makati Business Club, Philippine Resiliency Foundation, Philippine Chamber of Commerce and Industries Inc.  at iba pang ahensiya ng pamahalaan at civil society.

2nd Most Competitive

Ito na ang pinakamagandang pwesto na nakamit ng Baliwag mula noong 2017. Nasa ika-960 pwesto ang Baliwag noong 2016, nasa unang taon ng pagsisimula ng termino ni Mayor Ferdie Estrella. Ginawaran naman ito ng 3rd Most Improved LGU noong sumunod na taon sa pagakyat ng pwesto nito na pang 42 na pwesto. Umakyat itong muli sa pang 13 pwesto noong 2018 hanggang sa pumangatlo na pinaka kompetitibo (3rd) ito sa magkasunod na taon 2019 at 2020.

Pundasyon

May apat na pundasyon ang Competitiveness o ang kabuuang produksyon ng isang bayan sa pamamagitan ng ECONOMIC DYNAMISM, GOVERNANCE EFFICIENCY, INFRASTRACTURE DEVELOPMENT at RESILIENCY. Ang economic dynamism ay ang kabuuang sukat o laki ng ekonomiya ng isang bayan at kasama dito ang dami ng institusyong pinansiyal. Ang Baliwag din ang isa sa may pinakamalaking average deposit ayon sa tala ng Philippine Deposits Insurance Corporation. Sinusukat din nito ang laki ng bagong puhunan pumasok sa isang bayan.

Ang Government Efficiency naman ay ang paraan ng pagsukat sa paghatid ng isang maagap at mahusay na serbisyo mula sa lokal na pamahalaan. Bilang ng doktor, narses at iba pang allied health personnel; pagkakaroon ng mga bagong pasilidad; pagsunod sa mga bagong batas at regulasyon sa pagpapadali ng pagkuha ng business permit at pagsugpo sa redtape.

Ang Infrastracture Development naman ay sinusukat ang kabuuang produksyon ng pagawain bayan dagdag dito ang mga imprastraktura para sa mga panagunahing serbisyo tulad ng kuryente, tubig at internet. Gayon din ang mga probisyon sa transportasyon, terminal at akses sa mga paliparan at daungan.

Panghuli at pinakabagong kategorya naman ay ang resiliency o kakayanan ng isang bayan na mabilis na makabangon mula sa isang kalamidad. Ito naman ay sinusukat sa pamamagitan ng mga gamit, pagsasanay, tao, pondo at pasilidad na mayroon ang isang bayan. Sinusukat din ang katayuang panlipunan at pangkabuhayan ng mga mamamayan nito.

Sa lahat ng iyan ang Baliwag ay nakamit ang sumusunod:

  • Unang Pwesto sa Infrastracture Development
  • Ikalawang Pwesto sa Resiliency
  • Ikatatlong Pwesto sa Government Efficiency
  • Ikalimang Pwesto sa Econonic Dynamism

Una sa Lalawigan, Una sa Gitnang Luzon

Ang Baliwag ay nanatiling pinakakompetitibong bayan sa hanay ng mga una at ikalawang klase sa Gitnang Luzon at sa buong lalawigan ng Bulacan mula noong 2017.

https://baliwagnewsonline.com/wp-content/uploads/2021/12/ConglornaSilverio.mp4
https://baliwagnewsonline.com/wp-content/uploads/2021/12/Cong.INNODY.mp4
https://baliwagnewsonline.com/wp-content/uploads/2021/12/Med-Bit-Baliwag-COVID-19-Programs-15-Minute.mp4