Baliwag Health covid19

Alin ang mga Paaralan at Kolehiyong may 100% Vaccination Rate

Advertisements

Baliwag, Bulacan – 18 sa kabuuang 26 na pampublikong paaralang pangelementarya at apat na pampublikong highschool at senior highschool ang  nagtala ng 100% vaccination rate kasama ang walo pang ibang pribadong paaralan kasama ang National University Baliwag, Montessori de Sagrada Familia, St. Jean Baptiste Academy, St. Mary’s Academy,  Escuela de Marici, Catholic Servants of Christ Community School, ICBT, Immaculate Concepcion School of Baliuag at St. Mary’s College of Baliuag.

Ayon sa guidelines, kailangan na 100% fully vaccinated ang isang paaralan bago ito payagan na makapag face to face at may dalawampung araw na ang nakalipas na walang bagong kaso sa barangay na nakakasakop. Sa huling pulong ng Baliwag School Board, sinabi ni Municipal Administrator Enrique Tagle na nagbigay ng direktiba si Mayor Ferdie Estrella na ibayong paghahanda ang dapat gawin ng mga paaralan at siguraduhin na nakaayos ang mga engineering at administrative controls upang hindi malusutan ng Covid19. Dagdag pa ni MA Tagle, malapit na ding ilabas ng TWG para sa face to face ang mga patakarang ipapatupad sa Bayan ng Baliwag. “Nais ni Mayor Ferdie na makagawa ng balangkas ng mga patakaran na ipapatupad ng pantay-pantay pribado man o publiko. Inatasan din niya ang BTMO na masigurong handa na din ang sektor ng transportasyon at ang mga support services ng mga paaralan para sa pasukan. Inaasahan natin na this January ay may mga kolehiyo na ang mga magsisibalikan. Hopefully ay hindi natin maexperience ang katulad na surge na nagaganap sa Europe, North America at lately, sa South Korea. Huwag lang tayong kampante at laging on guard,” pagtatapos niya.

National Vaccination Days

Hinihikayat naman ni Baliwag Municipal Health Officer Dr Joan Dinlasan ang lahat ng hindi pa nababakunahan na magpabakuna na upang hindi maging dahilan ng anumang posibleng hawaan ng covid19 na posibleng magmutate hangga’t may mga napapasahan pa ng virus na ito. “Gamitin po natin ang National Vaccination Days upang makapagpabakuna lalo na at tumatanggap ng walk-in ang para sa booster, first dose, at scheduled naman ang nasa edad 12-17,” pagtatapos ng MHO.