Baliwag City cityhood

Senado, Tatalakayin na ang Cityhood Bill ng Baliwag (Senate Bill No. 2462)

Advertisements

GSIS Bldg., Pasay City – Nakatakdang talakayin ng Senate Committee on Local Government ang panukalang batas mula sa Kongreso ng Pilipinas o House Bill No. 10444 na may pamagat na “An Act Converting the Municipality of Baliwag into a Component City in the Province of Bulacan to be known as Baliwag City.” Ang Senate Bill No. 2462 ay tatalakayin sa patawag na pagdinig ng komite para sa mga Lokal na Pamahalaan na pinamumunuan ni Senador Francis Tolentino sa darating na ika-15 ng Disyembre, 2021 sa ganap na ika-10 ng umaga upang hingin ang pagsang-ayon sa kalunsuran ng Baliwag bago ito isabatas at ilipat sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

146 Cities

Sa kasalukuyan ay may 146 na lungsod sa buong Pilipinas at may lima na nakabinbin sa Senado o naipasa na ng Senado. Naririto ang listahan ng mga bayan na nakabinbin sa Senado:

  1. Talavera, Nueva Ejica HB 194 SB 2040
  2. Liloan, Cebu HB 5031 SB 2007
  3. Echague, Isabela HB 5970 SB 2067
  4. Manolo Fortich, Bukidnon HB 8283 SB 2038
  5. Baliwag, Bulacan HB 7362 10444 SB 2462

Samantala ang Calaca, Batangas ay ganap ng batas bilang RA 11544 matapos na ito ay lagdaan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte noong Mayo 26, 2021. Nagaantay na lamang itong magsagawa ng plebisito matapos ang Halalan sa 2022. Kung maipanalo naman at makakalusot sa plebisito ang ANIM na bayang nabanggit, magkakaroon ang ating bansa ng 152 mga lungsod.