Baliwag Health covid19 VAWC

Kaso ng Incest, Rape at mga Sanggol na Inaabandona, Tumataas!

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Isa sa mga problemang dinulot ng pandemyang ito ay ang mga kinulong na kamusmusan, kinabukasan at karapatan. Parang nalockdown ang kanilang pagkakataon na makapaglaro, makapagsaya at makapag1aq

Marami sa ating mga bata ang ninakawan ng kamusmusan at maagang pinaranas sa kanila ang kalupitan ng buhay mula sa akala niya ay magtuturo sa kaniya ng kabutihang-asal at gagabay sa kaniya sa magandang buhay. Mga tiyuhin, lolo at kinakasama ng kaniyang ina ang nagpatulog sa kaniya ngunit ang mga hele ay naging bangungot na siyang dahilan kung bakit tila ayaw na niyang magising sa isang bagong umaga na sa kabila ng liwanag at pag-asa na dala nito ay isang madilim na buhay pala ang nagaantay.

Halos tatlong kaso kada buwan ang naiulat na may kinalaman sa violence against women and children o vawc. Pangkaraniwan sa mga kaso ang sexual abuse ng mga live-in partner o kinakasama ng ina ng batang babae. “Hindi dapat basta-basta ipagkatiwala ang mga bata kahit sa tumatayong ama ng mga ito. Minsan ay nakabihis lang ito ng damit ng tupa pero sa likod nito ay asong ulol na nag-aantay na malingat ang ina at susungabin ang batang tupa,” ani Baliwag COP PLt./Col. Jayson San Pedro

Samantala, nakakita naman si Municipal Administrator Enrique Tagle ng kahinaan ang batas ukol sa Violence Against Women and Children o Republic Act No. 9262 ayon sa kanya, “bihira ang magsusumbong na bata na may nangyari sa kaniyang naranasang pangaabuso. Most often than not ay araw, buwan  o taon ang makakalipas bago ito makakuha ng  lakas ng loob na humingi ng tulong at ikwento ang kaniyang mapait na karanasan. Sa punto na ito magsisimula ang kahinaan ng batas dahil mauuwi na lamang sa pagpapauwi sa suspek dahil maisasampa ang kaso bilang Regular Filing.”

Inatasan naman ni Mayor Ferdie Estrella ang kapulisan na iaudit ang lahat ng kaso na may kinalaman sa vawc at imbetaryohin kung ano ang status ng mga ito. “Kung nakakawala pa ang suspek ay ilathala ang litrato ng mga ito at maglalagay ng akmang pabuya para mas mabilis tayong makakuha ng impormasyon dito at mapanagot sila sa batas. Dapat ay bantayan natin ang kalagayan ng mga batang walang magulang. Pinapakuha ko ang datos sa mga paaralan para matutukan sila at mabigyan ng kaukulang atensiyon. Kailangan natin ang tulong ng komunidad at iyon lang ang nakikita nating paraan upang mapagtagumpayan natin na mawakasan ang vawc,” pagtatapos ni Mayor Ferdie.

Mental Health

Samantala, sa isang interview, ayon kay Municipal Administrator Enrique Tagle na isa sa mga dahilan kung bakit nais ng Baliwag na matapos agad ang pagbabakuna sa mga edad 12-17 ay upang mabilis din na makabalik na sa klase ang mga bata dahil sa markadong pagtaas ng mental health cases sa ating bayan.

Teenage Pregnancy

Nababahala naman si Population Commission Officer Rafinal Villaverde sa patuloy na pagtaas ng bilang ng teenage pregnancies sa ating bayan pangkaraniwan sa mga anak ng mga dysfunctional families o yung ang mga batang wala ng magulang dahil naghiwalay, namatay o nakakakulong.