HALALAN 2022

Isyu ng Disqualification kay MFVE Walang Merito

Advertisements

Baliwag – “Isang dibersiyon lamang yan para lituhin ang mga Baliwagenyo at  hindi dapat pinaguukulan ng atensiyon. May kulang lang sa pansin at tila gusto lang nilang dalhin tayo sa uri ng kampanya na abot nila.  Bakit tayo magpapadala sa mga ganitong cheap propaganda? Habang si Mayor Ferdie ay walang tigil sa paghahanap ng mga bagong imbestors  upang mapataas pa ang kita ng bayan at makapagempleyo pa ng mas maraming Baliwagenyos; at nakasentro ang atensiyon sa kung paano mapapabilis ang ating pagbangon, tila walang tigil ang kabilang kampo sa pagiisip kung paano nila gigibain si Mayor Ferdie,” pagtatapos ni Atty. Joey Cruz, spokesperson ni Mayor Ferdie.

Ang Unang Pahina ng petisyon kay Mayor Ferdie ay sinampa ni Arturo Paclibar, ang driver ng mga Dellosa ay may address na pag-aari ng mga Dellosa.

“Ngayon lang namin natanggap ang petisyon upang idiskwalipika si Mayor Ferdie sa darating na halalan. Nauna pa nga ang paninira nila kesa sa kopya ng kaso, indikasyon na mas mahalaga sa kanila na magamit lamang ito bilang propaganda. Sigurado ako na ibabasura lang ito ng Comelec. Mahalaga na alam natin kung sino ang nasa likod nito at ano ang layunin nila.”

Tagapagsalita ni Mayor Ferdie

DISQUALIFICATION. Ang disqualification na inihain diumano ay bunsod sa isinampang kaso ng kampo ni dating Mayor Carol Dellosa sa pamamagitan ng kanilang Driver na si Arturo Paclibar at gumagamit ng address na 1650 Diamond St., Carpa Village, Sabang, Baliuag at pagmamay-ari ng mga Dellosa Ang kaso ay patungkol sa  hindi pagdedeklara ng kaniyang kamaganak sa Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN. Ang kasong nakasampa sa Baliwag Municipal Trial Court ay hindi pa naisasapinal matapos na maghain ng motion for reconsideration upang ibasura ang kaso matapos na makapaghain ng bagong ebidensiya ang kampo ni Mayor Ferdie Estrella.  Ayon pa sa tagapagsalita ni Mayor Ferdie, kitang-kita ang pamamaraan nila na mapang api sa pamamagitan ng malisyosong  kaso na kung saan ay dapat na ibasura dahil sa ito ay malinaw na panghaharas lamang dahil sadyang hindi nila ipinatama ang mga dokumentong mismong  dinoktor at pinagkaitan nila ng oportunidad o ng Compliance Committee na itama o makumpleto ang mga nalaktawan na katanungan sa halip ay sinagutan ito upang maliin . Nakitaan din ng pandaraya at pagkakaroon ng manipulasyon sa mga SALN matapos na makitang may mga SALN na dalawang beses natatakan sa iisang taon. Ito ay bahagi ng kanilang mga panggigipit noong sila ay nasa poder ng kapangyarihan.

MTC, MAGDEDESISYON PA. Hindi rin ang MTC ang pinal na desisyon ng mga kaso dahil sa ating konstitusyon, ang Supreme Court ang pinal at pinakamataaas na hukuman na magdedesisyon sa mga kaso. Dagdag pa dito, ang disqualification ay lampas na sa reglamentary period na itinakda ng COMELEC kung sakali.  Wala rin ito sa listahan ng mga kaso o maging sa klasipikasyon ng moral turpitude na may parusang isang taon o mahigit pa upang hindi na makatakbo ang isang halal na opisyal.

Tipikal na istilo ng dating nakaupo  – panggigipit, pagbengga, pananakot. Mga bagay na ipinagkibit balikat ng ating bise alkalde noong sila ay magkasama sa pwesto.

Habang si Arturo Paclibar  ay patuloy na nagpapagamit upang isulong ang  political agenda ng kalaban. Noon ay ginamit din siya upang sampahan ng kaso ang ina ni Mayor Ferdie na si Gng. Sonia Estrella ng simple theft sa diumano ay pagkuha ng padlock na ginamit upang ikandado ang kanilang pwesto. Agad naman itong ibinasura ng Korte dahil wala itong nakitang ebidensiya. Si Paclibar ay isa lamang sa maraming personalidad na ginamit at patuloy na ginamit para sa interes pampulitika ng mga kalaban ni Mayor Ferdie.

Ayon sa Local Government Code ang mga opisyal 1.  those sentenced by final judgment for an offense involving moral turpitude or for an offense punishable by 1 year or more imprisonment within 2 years after serving sentence. (hindi na 2.  those removed from office as a result of an administrative case 3.  those convicted by final judgment for violating oath of allegiance to the Philippines 4.  those with dual citizenship 5.  fugitives from justice in criminal or nonpolitical cases here and abroad 6.  permanent residents in a foreign country or those who have acquired the right to reside abroad and continue to avail of the same right.  Wala sa mga nabanggit na paglabag na iyan ang may parusang katumbas upang madiskwalipika si Mayor Ferdie.

vs Enrique Tagle vs Julieta Laguna

Ayon naman kay Municipal Adminisrator Enrique Tagle, “walang dahilan para hindi ako ideklara ni Mayor Ferdie, ang appointment ko noong 2008 ay legal. Ako ay napili ng Selection Committee bilang Pangulo ng BTECH dahil sa aking karanasan, educational attainment at bilang miyembro ako ng Regional Quality Assessment. Ako ay naging Pangulo na ng isang kolehiyo bago pa man ako napwesto doon. Ayon sa Republic Act 2220:

Section 30. Nepotism. (a) All appointments in the National, provincial, city and municipal governments or in any branch or instrumentality thereof, including government-owned or non-competitive service, made in favor of a relative of the appointing recommending authority, or of the chief of the bureau or office, or of the persons exercising immediately supervision over him, are hereby prohibited. As used in this section, the word “relative” and members of the family referred to are those related within the third degree either of consanguinity or affinity. (b) The following are exempted from the operation or the rules on nepotism: (1) person employed in a confidential capacity, (2) teachers, (3) physicians, and (4) members of the Armed Forces of the Philippines: Provided, however, That in each particular instance full report of such appointment shall be made to the Commissioner of Civil Service.

Hindi kasama ang teachers sa nepotismo kung kaya’t legal ang appointment at walang dahilan na itago at hindi ideklara. Klaro sa batas na dapat na binigyan ng pagkakataon na itama iyan sa pamamagitan ng Compliance Board. Samantalang, ang isinampang kaso naman kay Julieta Laguna ay nadismis na ng korte. “

PACLIBAR. Si Paclibar ay isa lamang sa mga gagamitin at paiikutin sa mga palad ng mga Dellosa. May mga Paclibar na gagamitin para magkaso; may mga Paclibar na patuloy na manggugulo at may mga Paclibar na patatakbuhin upang ikubli ang kanilang tunay na interest