Baliwag Health covid19

Dec. 15-17,  Itinakda muling National Vaccination Days.

Advertisements

ACTIVE CASES sa Baliwag, Apat na lamang.

Malacańang – Dahil sa tagumpay ng National Vaccination Days noong nakaraang lingo na  nagresulta sa pagbabakuna ng mahigit sa walong milyong indibidwal, muling itinakda ang Disyembre 15-17 bilang mga National Vaccination Days upang mabakunahan pa ang natitirang 30% ng mga hindi pa nababakunahan. Sa Baliwag ay higit na sa 100% ng kabuuang target ang nabakunahan at patuloy pa din ang paghihikayat na magpabakuna ang hindi pa nababakunahan bilang proteksyon sa bagong variant na omicron. Nakitaan naman sa Europa ng korelasyon sa porsiyento ng nabakunahan ang pagtaas ng bilang ng mga kaso matapos na sumipang muli ang mga kaso ng Covid19 sa Europa at Hilagang Amerika.

APAT NA KASO NA LAMANG

Samantala, apat na kaso na lamang ng Covid19 ang naitala sa Baliwag mula anim na kaso. Sunod-sunod na zero case ang naitala hanggang kahapon matapos na i-test at magpositibo ang isang biktima ng isang vehicular accident na isinugod sa Bulacan Medical Center.