Business friendliness and competitiveness Business Friendly

19th RCS Supermarket Nagbukas sa Baliwag

Advertisements

San Jose, Baliwag – Nagbukas na sa Baliwag ang isa sa pinakamalaking RCS Supermarket at ika-19 na branch ng supermarket chain na nakasentro ang operasyon sa Central Luzon. Umabot sa higit sa Isang Daang Milyon Piso (100M) ang naging kapitalisasyon ng Red Camia East Intertrade Corporation. Umabot naman sa 150 Baliwagenyo ang nabigyan ng trabaho ng RCS.

Pinangunahan ni Mayor Ferdie Estrella at mga may-ari ng RCS ang pasinaya kahapon. Samantalang si Fr. Narciso Sampana naman ang nanguna sa pagbabasbas sa bagong gusali. Patuloy ang pagiimbita ni Mayor Ferdie Estrella ng mga namumuhunan sa Baliwag upang makadagdag ng trabaho.

Hindi naman mahirap na makapagimbita ng mga bagong mamumuhunan

ang Baliwag matapos na ito ay kilalanin bilang 3rd Most Competitive Municipality in the Philippines at Central Luzon’s Most Competitive Municipality at kinilala ng Philippine Chamber of Commerce and Industries Inc. bilang Most Business Friendly LGU (Special Citation).

Ayon kay Mayor Ferdie: “Labis akong natutuwa na sa kabila ng kinakaharap nating pandemya ay patuloy ang ipinamamalas na tiwala ng mga namumuhunan sa lokal na ekonomiya ng Baliwag Prayoridad natin na mabigyan ng trabaho kung kaya’t wala tayong sinasayang na araw at pagkakataon na makapagimbita ng mas nakararaming Baliwagenyos.”