Baliwag Hotline BARANGAY BALIWAG Business friendliness and competitiveness Citizens Charter

Barangays Hindi Otorisadong Kumolekta sa mga papasok na Trucks/Vans na may sakay na Produkto/Pasahero

Advertisements

Baliwag, Bulacan  – Nagbigay ng paalala ang Tanggapan ng Pambayang Ingat Yaman sa mga  Punongbarangays at mga Barangay Treasurero na HINDI O HUWAG KUMULEKTA NG ANUMANG BAYAD O HALAGA PARA SA PAGPASOK NG MGA TRUCKS O VAN NA MAY DALANG ANUMANG PRODUKTO  O KAYA AY PASAHEROS.

“Taxes, fees and charges and other imposition upon goods and services carried into and out of, or just passing thru territorial jurisdictions of local government units in the guise of fees or charges for wharfages, tolls, for bridges or otherwise, or taxes, fees, charges in any form or whatsoever upon such goods and merchandise.”

Ayon sa Local Government Code of the Philippines Section 133 (d)

Nagpaalala naman ang Tanggapan ng Punongbayan na sumunod sa isinasaad ng batas at huwag kumulekta o ng bayad o tumanggap ng anumang halaga para makapasok ang isang delivery van na may dalang produkto tulad ng materyales para sa konstruksyon ng bahay at iba pa.

Ang publiko ay hindi dapat magbayad para sa anumang permit o clearance na hindi nakasaad sa Barangay Revenue Code at maaaring magreklamo sa Tanggapan ng Punongbayan sa pamamagitan ng pagemail sa  o sa administrator@baliwag.gov.ph https://facebook.com/ferdievstestrella

o makipaguganayan sa DILG, Anti-Red Tape Commission at Office of the Ombudsman.

Pinapaalala din sa mga barangay na huwag kumolekta ng labis lalo na kung hindi ito nakasaad sa Barangay Revenue Code. Ang mga ito ay dapat na nakapaskil sa Transparency Board sa mga Barangay Hall at sa website ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag .

Feature Photo: Barangay Dalaw ni Mayor Ferdie