Baliwag Health covid19

Booster Shots, Sisimulan na sa HealthCareWorkers at A2!

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Matapos nga ang National Vaccination Days ay sisimulan ng magbakuna para sa booster shot ang Baliwag Vaccine Taskforce ayon sa prioritization schedule na itinakda ng Department of Health. Bukod sa prioritization strategy ay kailangan na ang magpapabooster ay may anim na buwan na ang nakalipas matapos ang kanilang ikalawang saksak. Maaari naman magpabooster ang mga Baliwagenyo na hindi dito sa Baliwag nabakunahan. Kailangan lamang na dala nila ang isang identification card at ang kaniyang vaccine card na isyu ng bakuna center na nagbakuna.

HOMOLOGOUS vs HETEROLOGOUS. Ang isang bakunado kontra covid19 ay maaaring mamili kung homologous o heterologous. Sa isang Homologous system, pinipili ang  katulad ng bakuna na una at ikalawang sinaksak sa isang indibidwal. Sa heterologous ay pumipili ng ibang bakuna ang isang indibidwal at hindi kahawig sa naunang bakuna. Maaari namang mamili ang isang indibidwal kung anong klase ng bakuna ang nais na isaksak sa kanya at magagawang pumili sa pagsagot sa online link para sa pagpaparegistro sa booster shot. Hindi sapilitan o mandatory ang booster sa halip ito ay kusang-loob.

LINK: Maaari namang magpatala para sa inyong booster sa

https://covid19.baliwag.gov.ph.

o kaya ay iclick ito 

  Baliwag Booster Shot Registration Link

PARAAN NG PAGPAPATALA

  1. Pagpunta sa link, mababasa ang registration instruction na i-scan sa pamamagitan ng inyong camera ang QR code ng inyong Baliwag Pagbangon Vax Card (kung hindi gumana ay dapat na icheck ang settings ng inyong camera).
  2. Kung tagumpay na maiscan ninyo ang qr code  ay dadalhin kayo sa link na kung saan kayo pamimiliin ng bakuna.
  3. Hindi kayo papayagan na makapag rehistro ng mas maaga sa anim na buwan.
  4. Ilagay ang tamang sektor na kabilang ang aplikante.
  5. Abangan ang text sa inyo kung kailan ang inyong schedule. Maaari naman kayo tumawag sa Baliwag Hotline 09175057827 at 09399997827 kung kailangan ninyong magfollow-up ng schedule