Baliwag Health Baliwag News Service covid19

4100 Katao, Nabakunahan sa Day 2 ng NVD; 6 na Aktibong Kaso

Advertisements

BALIWAG – Nakapagbakuna ng mahigit sa 4100 katao ang nabakunahan sa SM City Baliwag para sa Day 2 ng National Vaccination Day 2. Magandang indikasyon ito na tumatalima ang mga natitirang mamamayan na hindi hindi pa bakunado. Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 90,000 ang nababakunahan sa Baliwag samantalang umaabot naman sa mahigit na 70,000 ang nabakunahan na ng dalawang beses. Nasa 135,000 ang kabuuang bilang ng mga maaaring magpabakuna sa Baliwag at target na mabakunahan ang 70% katumbas na 90,000. Tinatayang nasa mahigit na 110,000 na ang bakunadong Baliwagenyos kasama na dito ang mga nabakunahan sa ibang bayan o lungsod.

HULING ARAW NG NVD. Sa huling araw ng National Vaccination Day ay mahigit sa 2,000 walk-in ang tatanggapin sa mga Bakuna Centers sa Baliwag. Kaya’t ang mga wala pang bakunang residente ay inaanyayahang magtungo at dalhin ang iamsafe qr code at ID bilang katunayan.

ACTIVE CASES. Patuloy naman ang pagbaba ng kaso sa Baliwag matapos na makarecover si Patient 5785 mula sa Barangay Concepcion.