baliwag schools covid19

TWG para sa Pagbabalik ng Face to Face Classes muling Magpupulong

Advertisements

BALIWAG – Nakatakdang magpulong bukas, Nobyembre 29, 2021 ang binuong Technical Working Group para sa panunumbalik ng face to face classes sa Baliwag.  Ang komite na itinalaga upang tumulong na magbalangkas ng mga paiiraling patakaran patungkol sa face to face classes ay pinamumunuan ni Atty. Robert John Donesa ng Baliwag Polytechnic College kasapi ang iba’t-ibang miyembro ng mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa Baliwag. Ang TWG na ito ay nabuo sa pamamagitan ng bisa ng Executive Order no. 21 na may pamagat na Pagdedeklara  ng Alert System 2 sa buong Bayan ng Baliwag

Nakatakda namang ilahad ng komite ang mga patakaran sa publiko sa pamamagitan ng zoom at facebook live sa facebook account page ni Mayor Ferdie Estrella sa  https://facebook.com/ferdievestrella mamayang alas-dos ng hapon.