Tourism Cultural Festival

Tampok Ngayon: Christmas Tree Lighting Ceremony sa Glorietta

Advertisements

MUSEO NG BALIWAG – Pangungunahan ni Mayor Ferdie Estrella ang CHRISTMAS TREE LIGHTING CEREMONY bukas, Nobyembre 29, 2021 sa Glorietta Park sa ganap na ika-anim ng gabi. Panauhin din sina Vice Governor Wilhelmino Alvarado, dating Gobernador Jon-Jon Mendoza, Ditse Tina Pancho, Kon. Enrique “Buko” dela Cruz, Bokal Pechay dela Cruz, Kon. Dingdong Nicolas, Kon. Tony Patawaran, Kon. Lowell Tagle, Kon. Mabel Pascual, dating Kon. Manny Balicanta, Kon. Joel Pascual, Kon. Bhang Imperial at G. Kenneth Cruz. Nakatakda naman magbigay ng Pambungad na pananalita si Kon. Ogie Baltazar, tagapangulo ng Komite ng Sining, Kultura at Turismo. Ang BTECH Choir at si G. Darwin Quiambao naman ang napiling mga tampok na maghahandog ng mga pamaskong awitin. Si Bb. Susie Garcia, Pinuno ng Sining at Turismo ang siyang naatasan na mamuno sa programa. Isang engrandeng fireworks display naman ang ihahandog ng Dragon Fireworks para sa mga manonood bukas.

Minimum Public Health Protocols. Nagpaalala naman ang Tanggapan ng Sining at Turismo na magpapatupad ng public health protocols sa kabuuan ng programa. Pinapaalala na dalhin ang inyong mga I am Safe QR Code, magsuot ng mask, magdala ng alcohol at panatilihin ang social distancing palagi para sa ligtas na pagdiriwang.

https://baliwagnewsonline.com/wp-content/uploads/2021/11/wp-1638115721940.mp4