Most Liveable Cities

Baliwag: Isa sa mga Most Liveable Cities sa Pilipinas

Advertisements

Mayor Ferdie, Local Chief Executive of the Year

City of Dream – Kinilala ang Bayan ng Baliwag ngayon taon bilang isa sa mga Most Liveable Cities dahil sa mga programa sa kalusugan, kapaligiran at pangkalahatang pamumuhay. Iginawad ang naturang pagkilala kay Mayor Ferdie Estrella kaalinsabay ng pagkilalang ibinigay sa kanya bilang Local Chief Executive of the Year ng Sustainable Management Philippines Inc. Kamakailan ay ginawaran din ang Baliwag at si Mayor Ferdie Estrella ng Most Outstanding Mayor on Social Welfare Programs ng Association of Local Social Welfare of the Philippines Inc.,  samahan ng mga Social Workers sa buong bansa, dahil sa mga programang ipinapatupad ng Baliwag at sa mga naging kontribusyon nito sa kagalingang panlipunan. 

Mataas na Kalidad ng Pamumuhay.  Ayon nga sa mga pag-aaral ang Baliwag ay halos sumusunod o kapantay na din ng Clark, Pampanga sa antas ng  purchasing power at basket size. Ang basket size ay may kinalaman sa pangkaraniwang halaga ng binibili ng isang indibidiwal sa tuwing namimili sa Supermarket o Department Store. Pumapalo sa halagang 1800 ang average basket size ng Baliwag at Clark, Pampanga.

Average Deposit. Samantala, ayon naman sa tala ng Central Bank of the Philippines, pangalawa ang Baliwag sa may pinakamataas na deposito sa buong lalawigan. Kung tutuusin ay mas lalaki pa ito sa Malolos kung wala ang mga deposito ng mga ahensiya ng gobyerno na ang mga tanggapan ay nasa Malolos. Kaya’t masasabi na ang Baliwag ang Financial Capital of Bulacan. Umaabot sa kulang tatlumpu at isang bilyon (31B) ang kabuuang deposito ng Baliwag samantalang 33 Bilyon ang Malolos at pumangatlo naman ang Lungsod ng Meycauayan na nasa 29B. Halos  hindi na naman lumalayo ang Bayan ng Sta. Maria sa Meycauayan habang lumalaki pa ang potensiyal nito dahil na rin sa lawak ng nasasakupan nito na halos dalawa ng Baliwag.