Baliwag Health covid19

National Vaccination Days sa Bayan ng Baliwag, Nakakasa na!

Advertisements

BALIWAG – Nakahanda na ang mga Bakuna Centers na gagamitin simula Nobyembre 29-Disyembre 1, 2021 ang itinakdang tatlong araw na National Vaccination Days at Special Working Holidays sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1253 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

WALK-IN. Papayagan naman ang mga residente na nasa edad 18 pataas na mag walk-in sa mga Bakuna Centers sa SM City Baliwag at Montessori de Sagrada Familia. Babakunahan din ang mga nasa edad 12-17 na may schedule or natawagan na.

NATIONAL VACCINATION DAYS SCHEDULE

November 29,2021(MONDAY)
SM: Pedia-PFIZER(1st dose): 800
Adult-ASTRA(1st dose): WALK-IN: 600 doses
SAGRADA: Pedia-PFIZER(1st dose):500
Adult-ASTRA1st dose): WALK-IN: 800 doses

November 30,2021(TUESDAY)
SM:Pedia-PFIZER(1st dose): 800
Adult-ASTRA(1st dose): WALK-IN: 600 doses
SAGRADA:Pedia-PFIZER(1st dose): 500
Adult-ASTRA(1st dose):WALK-IN: 800 doses OR

SM:MODERNA(2nd dose): 1,214 doses
SAGRADA: MODERNA(2nd dose): 1,610 doses

December 1,2021(WEDNESDAY)
SM: MODERNA(2nd dose): 1,159 doses
Adult-ASTRA(1st dose): WALK-IN: 600 doses
SAGRADA:MODERNA(2nd dose): 1,087 doses
Adult-ASTRA(1st dose):WALK-IN: 600 doses

Sa kabuuan ay umabot na sa halos 150,000 doses ang naisaksak ng ating mga vaccinators (80,830 na first dose at 64,635) Ito ay 96.8% ng ating target na 82,600. Nanawagan naman si Mayor Ferdie Estrella na hikayatin natin ang mga kababayan, katrabaho, kaklase, kaibigan at kapitbahay na hindi pa bakunado na magpabakuna sa darating na National Vaccination Days.

Local Vaccination TASKFORCE on COVID19