Baliwag News Service cityhood

Cityhood ng Baliwag Pasado na sa Kongreso

Advertisements

Batasang Pambansa – Sa botong 164 panig sa “yes” at 0 abstention at 0 negative votes, ipinasa na ng Kongreso ng Pilipinas ang batas na naglalayong gawing isang lungsod ang Bayan ng Baliwag. Kumpiyansa ang Kongreso na ipasa ang House Bill 10444 o An Act Converting the Municipality of Baliwag in the Province of Bulacan into a Component City to be known as the City of Baliwag. Ang naturang batas ay nakatakda ng ilipat sa Senado na siya namang gagawa ng kamukhang akda hanggang sa ito ay maisabatas. Sa Senado, inaasahan na ito ay sasaluhin ni Senadora Imee Marcos bilang apo ni Doña Remedios Trinidad, isang Baliwagenya at ina ni dating Unang Ginang Imelda Marcos. Inaasahan din na susuportahan ito nina Senador Joel Villanueva at Senador Win Gatchalian na mga Bulakenyong Senador

Bukod sa naipasa ng Baliwag ang dalawa sa tatlong pamantayan sa kalunsuran ay hinangaan din ng mga kongresista ang naging mabilis na pagakyat ng Baliwag mula sa pwestong pang 960 ngayon ay pangatlo na sa Pinakakompetitibong Bayan sa Buong Bansa at nangunguna sa Central Luzon at Bulcan sa magkakasunod na taon simula pa noong 2017. Nagkamit din ang Baliwag sa apat na taong magakakasunod ng Champion sa iba’t-ibang kategorya sa EGov Awards ng DICT-DILG at 2019 at 2020 Manila Bayani Awardee at taon-taon ay nagkamit ng Seal of Good Local Governance Awardee at kinilala ng Developmenf Academy of the Philippines ang anim na programa na ipinatupad ng Baliwag sa hanay ng pinakamahuhusay na mga proyekto.

Matibay na Ebidensiya

Pagtaas ng Buwis at Bilihin

Samantala, hindi dapat mangamba ang publiko sa kalunsuran lalo na sa isyu ng pagtataas ng buwis at bilihin. Ang dalawang iyan ay masasabing mitolohiya lamang dahil ang pagtataas ng buwis ay may regulasyon ayon sa batas at hindi ito maaaring gawin basta-basta at hindi maaari kada taon.

  • Kada 5 taon lamang maaaring magtaas ng buwis
  • ang pagtaas ay hindi dapat hihigit sa sampung porsiyento
  • bilang isang component city ay hindi maaaring mas mataas sa buwis na ipinapataw ng Kapitolyo
  • ang pagtaas ay upang maibalik lamang ang mga gastusin kaugnay ng partikular na gampanin (cost recovery)

Ang cityhood ay hindi rin magpataas sa bilihin dahil ang presyo ng isang bilihin ay nakabase sa law of supply at demand at may nakatakdang suggested retail price ang DTI para sa mga pangunahing bilihin. Kung kaya’t iyan ang dahilan kung bakit namimili tayo sa Divisoria na nasa Lungsod ng Maynila kung naghahanap tayo ng mura.

Bentahe

Ang cityhood ay magdadala ng mas maraming imbestors at trabaho sa Baliwagenyo at karatig bayan dahil sa kakayanan nito na maipagawa at magamit ang lahat ng mga imprastraktura na kailangan ng bayan tulad ng traffic lights, kalsada at mas malaking kawanihan. Matutugunan din nito ang mas malaking pangangailangan sa pabahay, edukasyon, kalusugan at agrikultura.

https://baliwagnewsonline.com/wp-content/uploads/2021/11/Project_11-24_FullHD1080p_MEDIUM_FR30_1.mp4

Plebisito

Matapos na maipasa ang batas ay isusumite ito sa Tanggapan ng Pangulo para sa kaniyang kaukulang aksyon. Papadalhan ng Pangulo ng direktiba ang COMELEC upang magsagawa ng isang plebisito at doon nga ay hinahayaan na ang taumbayan ang magdesisyon na iguhit nito ang mithiin sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng pagtatanong kung nais ba nitong maging isang lungsod. Ano man ang maging resulta ng plebisito ay magiging basehan ng Pangulo kung iraratipika ang batas ng higit sa nakararaming mamamayan.

Pasalamat sa mga KABALIKAT

Nagpapasalamat naman ang mga Organisasyon at grupong sumusuporta sa pagsulong ng kalunsuran sa liderato ng kamara at sa wakas ay dininig ang kanilang matagal na hangarin para sa Bayan ng Baliwag. Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag kay Cong. Apol Pancho (2D Bulacan), Cong. Eric Yap (ACTS CIS), Cong. Paolo Duterte (Davao City), Cong. Noel Villanueva (3D Tarlac) at Congw. Lorna Silverio (3D Bulacan), Cong. Jonathan Dy-Alvarado (1D Bulacan), Cong. Bong Suntay (QC), Cong. Ino Dy (2D Isabela) at Cong. Rimpy Bondoc (4D Pampanga).