Higanteng Recycled Christmas Tree sa Baliwag, handog sa mga COVID-19 Frontliners

Advertisements

Bilang simbolo ng pag-asa, inilawan ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 18 sa Baliwag ang 35-talampakang at maituturing na pinakamataas na Giant Recycled Christmas Tree sa buong Bulacan. May mga disenyo itong Christmas Balls, tampok ang iba’t ibang mukha ng paglilingkod ng mga magigiting na frontliners sa laban kontra COVID-19.

Photo & Concept by Julian Salvador

Ang higanteng recycled Christmas Tree ay gawa mula sa mga recycled at eco-friendly materials na binubuo ng 5,700 ‘used plastic cups’ at 400 kilos na mga pinutol na sanga ng kahoy. Nilagyan din ito ng mga LED lights upang makapagdagdag atraksyon din.

Ayon kay Mayor Ferdie Estrella, ang nasabing Christmas Tree ay magsisimbolo ng pag-asa para sa bawat isa at bilang taos-pusong pasasalamat din sa lahat mga bayaning frontliners, na patuloy na nagbibigay ng kanilang serbisyo at nagsasakriprisyo para sa mga Pilipino na higit na nangangailangan.

Kasabay nito, binuksan na rin ngayong gabi ang Baliwag Bibingkahan Strip sa Heroes Park kung saan mabibili sa take-out, pick-up at delivery services ang mga paboritong pagkain sa Kapaskuhan gaya ng bibingka, puto bungbong at bichu-bichu.

Minabuti rin naman ng lokal na pamahalaan na ipalabas na lang online ang nabanggit na aktibidad, upang maiwasan ang mass gathering at mapanatili ang social distancing sa nasabing pook.

###