Bayanihan sa Bakuran Tiktok Edition ng SK Federation!

Advertisements

Bilang pakikiisa sa Bayanihan sa Bakuran na programa ng ating lokal na pamahalaan ay nagbuo ang Baliwag SK Federation ng Tiktok Video Competition upang maipamalas ang talento at pagkamalikhain ng mga kabataang Baliwagenyo habang pinapanatili ang kalinisana t kaayusan ng kanilang bakuran ngayong panahon ng pandemya. Sa kanilang Facebook Ad na matatagpuan sa opisyal na Facebook Page (Baliwag SK Federation) ay nakapaskil ang lahat ng detalyeng kinakailangan upang sumali.

Kabataan naman ang hahataw next week sa Tiktok sa Bakuran.

Basahing mabuti ang mechanics. Hataw na!

1. Para sa Kabataang Baliwagenyo, 13 to 30 years old.
2. I-Like ang Bayanihan sa Bakuran Facebook Page.
3. Gumawa ng Tiktok Video sa inyong bakuran o halamanan gamit
ang isa sa mga sikat na Dance Challenge sa Tiktok.
5. I-send ang video sa pamamagitan ng private message sa Bayanihan sa Bakuran Page,
kasama ng inyong buong pangalan, barangay at contact number.
6. Ang deadline ng pagpapadala ng tiktok video ay sa Martes, July 21, 10:00pm.
7. Ang lahat ng makakasaling video ay aming ipopost sa Bayanihan sa Bakuran Page sa Miyerkules, July 22, 2020, 9am para sa online voting sa pamamagitan ng dami ng reactions.
8. Ang deadline na pag-post ng reaction ay sa Huwebes, July 23, 2020, 10:00pm.

Sa Biyernes, July 24, 2020, tatlo (3) ang pipiliing Kabataang Tiktoker sa Bakuran of the Week base sa pinakamaraming post reactions (50%) at score ng mga hurado (50%).

Mapapanood ang announcement of winners sa Baliwag Online Community Radio Facebook Page sa programang Baliwag Shoutout, 3:30pm.

Prizes:
2 Runners-up, P100 load each
Kabataang Tiktoker sa Bakuran, P100 load + gift pack