Executive Order No. 26 s. 2020: Implementation of the Modified General Community Quarantine in the Municipality of Baliwag

Advertisements

Narito ang sipi ng Executive Order No. 26 s. 2020 na naglalaman ng mga patakaran at alintuntunin na paiiralin sa panahon ng MGCQ.

Kaya’t sa deklarasyon ng pagpapalawig ng MGCQ sa Bulacan ay nararapat lang na sundin ang mga ito upang maiwasan ang pagkalat ng covid19 sa ating bayan.

Isa sa pinakamahalagang probisyon nito ay ang quarantine mechanism na dapat pairalin sa ating bayan dahil sa dami ng kaso ng covid19 sa Metro Manila. Mariing hinihikayat ang lahat na manatili na lamang sa NCR kung  may lugar na mapagtutuluyan malapit sa lugar na  pinagtatrabahuhan.

Ang mga naguuwian naman ay pinagiisolate at pinaiiwas sa mga mass gatherings sa ating bayan matapos nga na isang empleyado sa NCR ay nakahawa ng pitong katao dahil sa pagbisita sa mga kaibigan sa ibang barangay.