Mahigit 5,000 miyembro ng TODA, nakatanggap ng P1,000 ayuda

Advertisements

Bilang handog sa lahat ng mga rehistradong tricycle drivers sa Baliwag, mahigit 5,000 miyembro ng TODA ang nakatanggap ng P1000 ayuda mula sa lokal na pamahalaan nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Mayor Ferdie Estrella, layunin ng tulong-pinansyal na ito na matulungan ang mga tsuper sa bayan ng Baliwag, na isa sa mga pinaka-naapektuhan ng lockdown.

Matatandaan na noong isinailalim ang buong Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), ipinatigil muna ang operasyon ng lahat ng mga pampublikong transportasyon, nang mapigilan ang paglabas ng mga tao upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga tricycle na nakatanggap ng nasabing ayuda. Ayon sa kanila, malaking tulong din ito, lalo na sa pagpabili na kanilang mga pangunahing pangangailangan para sa kanilang mga pamilya.

###