Breaking News: Anunsyo ng Pangulo kung ECQ o GCQ ang Bulacan, Inaabangan

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kanina sa Malacańang na sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ipapahayag kung mananatili ba ang mga lalawigan at Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine o idedeklara ng kabilang sa General Community Quarantine. Gagawin mamayanv alas-dose ang press briefing ni Secretary Roque. Samantala, sinabi naman ng Pangulo na hindi dapat gawin biro at ipagsawalang bahala ng mamamayan ang gcq dahil nananatili at mataas pa rin ang banta sa buhay ang covid19.

Dalawang Kaso

Mula Mayo hanggang ngayon ay may nadagdag naman na dalawa sa bilang ng nagpositibo sa covid19 ang Baliwag. Si Patient 10 ay pumanaw noong Abril 21 ay matagal ng hindi residente ng Baliwag at nakatira na sa Makati City. Si Patient 11 naman ay isa na namang healthworker na asymptomatic na nagtatrabaho sa ibang bayan. Buo ang contact tracing sa dalawang pasyente.