Baliwag Patient No. 10 at Dalawa pang Nakalista sa Baliwag, Taga NCR na!

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Nanawagan si Mayor Ferdie Estrella sa Department of Health na ayusin ang repleksyon ng pagtatala ng tamang address matapos na maisagawa ang Surveillance and Contact Tracing ng PNP na siyang dapat magrekomenda sa DOH kung saan dapat irehistro ang isang pasyente. Ito ay sa kadahilanang upang sa gayon ay maseguro na tama ang gagawing contact tracing at ikalawa ay mas higit na tumama ang datos na gagamitin sa pagaanalisa na dapat gawin base sa impormasyong nakalap at maaaring maging basehan sa mga darating na panahon kung may pagaaral na gagawin. “Halimbawa na lang ay tatlo sa sampu (10) na infected persons na nakarehistro sa Baliwag ay pawang mga Manila-based na. Si Baliwag Patient 5 ay taga-Cubao na samantalang si Patient 7 taga-Mandaluyong City na at matagal na ngang hindi umuuwi sa Baliwag. Paano kung doon sa nakahawa sa NCR at paano naman ang mga naka-address sa NCR ngunit naninirahan sa Baliwag,” ani Mayor Ferdie.

Patient 10, 56 yo from Makati

Samantala nagpahayag naman ng pakikiramay si Mayor Ferdie Estrella sa mga naulila ni Patient no. 10 na halos ay dalawang taon ng naninirahan na sa Makati City. Umuwi lamang siya noon March 22-30 at lagpas na infectious period nito. Kung susumahin base sa incubation period ng COVID19 na labing-apat na araw (14 days), maaaring dumapo ang pneumonia at magpeak simula ika-sampung araw hanggang ika-labing-apat na araw dahil si Patient No. 10 ay pumanaw noon Abril 21 na maaaring iyon ang Day 10-14 ng kanyang covid19 infection. Ang kaniya anak lamang ang posibleng naging contact sa kanya na siyang nagbantay sa ospital hanggang siya ay pumanaw ngunit agad naman itong naiquarantine. Nacremate naman agad ang labi ni Baliwag Patient No. 10. Isa sa mga naging balakid dito ay ang matagal na paglabas ng resulta ng kaniyang test mula sa RITM dahil sa pagbabawas nito ng operasyon matapos na maimpeksyon ang mga kawani nito. Labindalawang araw pa nga ang lumipas nang lumabas ang resulta ng PCR Test.

Samantala, nakikipagtulungan naman ang Baliwag PNP sa Makati Police para sa surveillance and contact tracing ng nasabing kaso.

Nakikiramay po ang Baliwag News Online sa mga naulilala ni Baliwag Pt. no. 10

Dito makikita ang posibleng petsa ng impeksyon ni Baliwag Patient No. 10 na maaaring sa pagitan lamang ng Abril 8-12 sa hinuha na may 14-day incubation period kung kaya’t masasabing lagpas na o hindi na pasok sa infection date.