Baliwag, Nagsimula na ng Active Case Finding. PUIs at Frontliners Nagsimula ng i-test!

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Nagsimula ng iactivate ng Baliwag ang Active Case Finding upang simulan ang pagsuyod sa mga Baliwagenyos sa bawat tahanan sa Bayan ng Baliwag na nagpapakita ng sintomas ng covid19. Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Mary Joan Dinlasan, ang active case finding ay paraan upang makita natin ang mga posibleng may covid19 at sila naman ay agarang maipatest upang hindi na makahawa pa ng iba. Maswerte tayo at agaran tayong nakakuha ng real time-polymerase chain reaction swab kits dahil na rin sa pagpupursige ni Mayor Ferdie Estrella na makabili at maiwasan ang paglaganap ng covid19.”

Sa pagpupulong na ginawa sa Pavilion sa Tahanan ng Pamilya Estrella ng Active Contact Finding Team. Pinangunahan ito ni Mayor Ferdie Estrella kasama sina (R-L) MHO Dr. Mary Joan de Jesus-Dinlasan, CoS Lhan Marasigan- Cruz, Municipal Administrator Enrique Tagle, Baliwag Chief of Police P/Supt. Lt. Col. Jayson San Pedro, Safety and Protocol Head Dr. Dave Legazpi, MD, Baliwag DILG MGLOO Myrna Reyes, PIO and Youth Officer Bong Sablan at Mayor FVE.

Agad namang nagpulong ang Surveillance and Contact Tracing Team na muling inorganisa at upang ilipat ito sa pamumuno ni Baliwag PNP Chief, Lt. Col. Jayson San Pedro at aasistihan ng Municipal Health Officer ng ating bayan. Bunsod ito sa nais ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan na panipisin ang mga tungkulin ng mga gumagalaw sa pagsugpo laban sa covid19 at makabalik na sa kanilang mga regular na trabaho upang muling harapin ang mga nabinbin nilang gawain.

Nanawagan naman si Mayor Ferdie sa mga Baliwagenyos na sagutan ng buong katapatan ang Active Contact Finding Form upang malaman kung mayroon bang mga suspected na indibidwal ang maaaring may covid19 at nang hindi na makahawa pa.

https://baliwagnewsonline.com/wp-content/uploads/2020/04/received_1486504664842798.mp4
Baliwag Active Case Finding Form

Ang mga kakitaan ng sintomas at may exposure sa covid19 ay sasailalim sa swab test upang tukuyin kung positibo sa covid19 at dadalin sa partner sub national laboratories ng DOH.