1,200 packs ng libreng binhi ng gulay, handog sa mga Baliwagenyo!

Advertisements

Nagpamahagi noong Lunes ang Lokal na Pamahalaan ng Baliwag, sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAO), ng 1,200 packs ng libreng binhi ng gulay bilang handog sa mga Baliwagenyo.

Ilan sa mga libreng punla ng gulay na ipinamigay ay gaya ng Talong, Sili Pinigang, Sili Labuyo, Kalabasa, Ampalaya, Sitaw, Upo, Okra, Pechay, Mustasa, Kangkong, Patola, Upo, Kamatis, at Talong.

Layunin ng proyektong ito na matiyak na may mapagkukunan ng sariwa at masustansyang pagkain ang bawat pamilyang Baliwagenyo habang nakasailalim ang Luzon sa extended Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon din kay Mayor Ferdie Estrella, isa rin itong magandang paraan upang mahikayat ang bawat mamamayan na magtanim sa kanilang mga bakuran o maisulong ang urban gardening.

Para naman sa iba pang detalye ng mga programa at proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, mapanonood sa official Facebook page ng punongbayan ang kaniyang Lingguhang Ugnayan sa Baliwag.

###