ECQ sa Bulacan, Pinalawig hanggang Mayo 15

Advertisements

Malacańang – Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang bagong kautusan na nagpapalawig sa pagsasailalim ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region, Region 3, Region 4A, Catanduanes, Albay, Cebu at Davao matapos na kakitaan ito ng bagamat pagbagal ay hindi pa nasusugpo ang paglaganap ng covid19 sa kani-kanilang lugar.

Summary of IATF recommendations as approved by PRRD, 24Apr2020:

Ang mga sumusunod na rehiyon ay pinapalawig ang Enhanced Community Quarantine hanggang Mayo 15, 2020:

· NCR
· Central Luzon (Tarlac, Zambales)*
· CALABARZON
· Benguet *
· Pangasinan *
· Island of Mindoro
· Albay
· Catanduanes
· Antique
· Iloilo *
· Cebu *
· Davao del Norte *
· Davao City *


Ang mga rehiyon naman na isasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) at kabilang sa may katamtamang panganib:
· Apayao
· Mt Province
· Ifugao
· Kalinga
· Ilocos Sur
· Batanes
· Quirino
· Aurora
· Palawan
· Romblon
· Camarines Norte
· Sorsogon
· Masbate
· Guimaras
· Bohol
· Biliran
· Eastern Samar
· Leyte
· Northern Samar
· Southern Leyte
· Zamboanga del Norte
· Zamboanga Sibugay
· Bukidnon
· Camiguin
· Davao Occidental
· Saranggani
· Agusan del Sur
· DInagat Islands
· Surigao del Norte
· Agusan del Norte
· Basilan and Sulu
· Negros Occidental
· Negros Oriental
· Siquijor
· Davao del Sur
· Davao Oriental
· Sultan Kudarat
· Lanao del Sur


Mga Lalawigan na maaari pang mabago ang desisyon na isailalim sa GCQ:
· Abra
· Ilocos Norte
· Isabela
· Nueva Vizcaya
· Marinduque
· Camarines Sur
· Aklan
· Capiz
· Samar
· Western Samar
· Zamboanga del Sur
· Lanao del Norte
· Misamis Occidental
· Misamis Oriental

* Sa ilalim ng GCQ, ang mga manggawa na kabilang sa Sektor 1, 2 at 3 na naninirahan sa mga lugar na ito ay maaari nang unti-unting magbalik sa trabaho.

* Ang lahat ng may mataas na panganib ay hindi pa rin pinapayagang bumalik sa trabaho*

* Ang mga malls ay pinapayagan na buksan ang tindahan maliban sa mga panglibangan at atraksyon.

* Ang mga mahahalagang konstruksyon ay maaari ng magbalik trabaho. Samantala, ang mga hindi nagtatrabaho ay maaaring lumabas upang bumili ng mahahalagang kagamitan maliban sa mga mangagawang kabilang sa Sektor 4, panlibangan at kabataan.

Bagong Clustering at Pagbubukas ng mga kainan para sa delivery/take out lamang

Samantala, nakatakda namang maganunsyo si Mayor Ferdie ng bagong clustering upang maitugma ito sa nakatakdang Active Contact Tracing na isasagawa sa susunod na Lingo kaalinsabay ng pagbubukas ng Baliwag Ligtas Covid19 sa Malasakit Center na magiging Isolation Facility o Emergency Quarantine Facility para sa mga suspected, probable at mild cases ng covid19.

Data Analytics

Ayon sa kalatas, ang desisyon ni Pangulong Duterte na panatilihin ang NCR, Central Luzon at Calabarzon ay base sa isinumiteng rekomendasyon ng Technical Working Group on Data Analytics na nanatiling mataas ang banta ng panganib sa mga lugar tulad ng Bulacan dahil mukhang patuloy pa rin ang paglaganap dito. Ayon sa artikulong Covid19 Forecasts in the Philppines: Insights for Policy Making nina Guido David, Ranjit Singh Rye at Patricia Agujos ng Unibersidad ng Pilipinas ang mga datos ay maaaring maapektuhan ng mas tutok na pagmamatyag sa mga kaganapan upang maiwasan ang pagkalat ng mas matinding bilang ng mga naimpeksyon.

Ang tent na itinatayo ay mula sa Jaycees Manila sa pakikipagtulungan kay Architect William Ti, Engr. Felimon Agustin at sa Philippine Airforce ay inaasahang maglululan ng labing-anim at maaaring dalawang ganiyan ang gawin para sa Baliwag.
Naghanda din ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag ng mga container vand upang tuluyan ng mga positive cases.
Ang Malasakit Center ay gagawin Baliwag Ligtas Covid19 sa Malasakit Center