covid19

OPISYAL NA PAHAYAG mula sa TANGGAPAN NG PUNONGBAYAN

Advertisements

UKOL SA PANANAKIT SA MGA BARANGAY TANOD NG BRGY. PINAGBARILAN at ang Hindi Pagkakaintindihan ng mga Opisyal ng BRGY. VIRGEN DELAS FLORES

Ipinatawag ni Mayor Ferdie V. Estrella ang mga Frontliners na mga Barangay Tanod na pagtulungang bugbogin matapos na sitahin ang isang grupo ng mga kalalakihan sa  isang sitio sa Brgy. Pinagbarilan. Pinukpok diumano ng bato ang isa sa mga Brgy. Tanod na nagtamo ng malaking sugat at kinailangang tahiin. Nagpapaalala naman si Mayor Ferdie sa mga tao na sumunod sa mga nagpapatupad ng batas dahil ang kanilang ginagawa ay pawang para sa kanila lamang. Ang batas ay batas at dapat manaig ang hustisya. Zero Tolerance tayo sa mga ganitong pagsuway at kawalan ng respeto sa mga nagpapatupad ng batas. Nasa larawan (L-R) P/Supt. Col. Jayson San Pedro, DILG MGLOO Mel Reyes, Municipal Administrator Enrique Tagle, Mayor Ferdie Estrellla, Pinagbarilan Brgy. Captain. Danny Bugay, BT Hilario Angeles, BT Osias Angeles, Salvador dela Cruz. Binati naman ni Mayor Ferdie Estrella ang mga Barangay Tanod sa kanilang katapatan sa sinumpaang tungkulin at sinabing patuloy na maging matatag lalo na ngayong panahon ng krisis. Ani pa ni Mayor Ferdie, “tayo ay nagpapakatatag para sa kaayusan ng bayan at ang lahat ng ito ay para sa bawat mamamayang walang nais kung hindi ang isang mapayapa at may kaayusang bayan. Pinasasalamatan ko kayo sa ngalan ng Bayan at sa inyong barangay.”

  • Booster Shots, Sisimulan na sa HealthCareWorkers at A2!
    Advertisements Baliwag, Bulacan – Matapos nga ang National Vaccination Days ay sisimulan ng magbakuna para sa booster shot ang Baliwag Vaccine Taskforce ayon sa prioritization schedule na itinakda ng Department of Health. Bukod sa prioritization strategy ay kailangan na ang magpapabooster ay may anim na buwan na ang nakalipas matapos ang kanilang ikalawang saksak. Maaari […]
  • 3 DAY-NVD: 10,500 doses Naibakuna sa Loob ng Tatlong Araw
    Advertisements MDSF Tangos – Umabot sa mahigit na sampung libo (10,500) doses  ng bakuna ang naisaksak at kalahati nga dito ay mga walk-in  first timers na maaaring hindi natawagan bagamat nagparehistro online o kaya ay hindi talaga nagparehistro o mga ngayon lang na nakumbinse na magpabakuna. 1st DOSELGU: BaliwagDate: 11-29-21# Vaccinated: 492PfizerNew Deferal Pfizer: 0# […]
  • 4100 Katao, Nabakunahan sa Day 2 ng NVD; 6 na Aktibong Kaso
    Advertisements BALIWAG – Nakapagbakuna ng mahigit sa 4100 katao ang nabakunahan sa SM City Baliwag para sa Day 2 ng National Vaccination Day 2. Magandang indikasyon ito na tumatalima ang mga natitirang mamamayan na hindi hindi pa bakunado. Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 90,000 ang nababakunahan sa Baliwag samantalang umaabot naman sa mahigit […]
  • Untitled
    Advertisements
  • Baliwag Giant Christmas Tree 2021, Pinailawan na!
    Advertisements

Sa bigat ng laban natin sa Covid19, ang ating pinakamatibay na sandata, bukod sa ating pananalig sa Diyos, ay ang ating pagkakaisa, na maipapakita natin sa pamamagitan ng pagmamalasakitan, pagsunod at pagmamahalan.

Ang pagsubok na ito ay higit sa sino man sa atin. Subalit kung sama-sama tayo, walang malaking pagsubok ang hindi natin mapagtatagumpayan.

Payagan nating hubugin tayo ng karanasang ito upang mas maging mabuting tao, mabuting katiwala at mabuting mamamayan.

Ito po ang opisyal na pahayag ng inyong lingkod sa 2 insidenteng naganap sa ating bayan nitong nagdaang mga araw.

Kami po sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag, at bilang mga kapwa Baliwagenyo ay nalulungkot sa dalawang insidenteng nagdulot ng hindi magandang impresyon sa ating bayan sa gitna ng ating ipinatutupad na enhanced community quarantine bunsod ng Covid19 global pandemic.
Nais nating ipaalala sa lahat ng ating kababayan na ang Covid 19 ang ating kalaban sa krisis na ito, at hindi ang mga kapwa lingkod bayan at ang mga barangay frontliners na kaagapay sa pagpapatupad ng safety measures.

Una, mariin nating kinokondena ang pananakit sa dalawang barangay tanod sa Barangay Pinagbarilan, sina Hilario Angeles at Osias Angeles, sa hapon ng Abril 20. Sila po ay agad na nalapatan ng paunang lunas, at ngayo’y ligtas na sa kapahamakan at patuloy na nagpapagaling sa kanilang mga tahanan.

Dahil po sa dedikasyon at sakripisyo nina G. Hilario at G. Osias na hindi po alintana ang panganib sa kanilang sinumpaang tungkulin, tayo po sa Pamahalaang Bayan ay nagdesisyon na magbigay ng insentibo sa kanilang dalawa, upang magsilbing inspirasyon sa kanilang hanay.
Sa ulat naman po ng PNP, arestado na ang limang suspects at sila ay nahaharap sa kasong oral defamation, direct assault and resistance, at disobedience to an agent of person in authority.

Binabalaan po natin ang mga pasaway at nagbabalak na sumuway sa mga ipinatutupad na safety protocols, hindi tayo magdadalawang-isip na ipahuli kayo sa PNP at sampahan ng kaukulang kaso. Makikiisa po tayo at unawain ang paghihigpit na ginagawa natin, dahil ito po ay para sa kaligtasan nating lahat.

Ikalawa, kaugnay ng kumalat na video sa hindi pagkakaintindihan sa Barangay VDF, hinihiling po natin ang mga kapwa lingkod bayan natin na maging mahinahon at magkaisa para sa kapakanan ng ating mga nasasakupang pinaglilingkuran.

Pinapaalalahanan natin na may proper forum po para sa mga reklamo o puna sa serbisyo, na maaaring isangguni sa DILG o sa ating Tanggapan. Subalit, hinihiling natin na bago isapubliko o lumaki ang mga isyu, pag-usapan ito, at hangga’t maaari, ang ating pakiusap ay isantabi muna ang mga interes na hindi makakabuti sa ating pagseserbisyo sa ating mga kababayan.

Para rin sa kaalaman ng lahat, ang Traveler’s Pass ay iniisyu ng Pamahalaang Bayan nang walang bayad o libre, sa pamamagitan ng Business Permit and Licensing Office na may tanggapan sa Business Center Sa Baliwag Government Complex.

Mga kababayan, ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa ating laban sa Covid 19. Ang iba sa atin ay tinawag para maging frontliner, habang ang iba ay tinawag para manatili sa ating mga tahanan upang maiwasan ang transmission ng virus. Anumang grupo ang iyong kinabibilangan, makiisa po tayo, at magka-isa para ma-flatten ang curve. Dahil habang hindi pa natutuklasan ang bakuna o gamot sa Covid 19, pinakamabuting gawin ay mag-ingat at sumunod sa diretktiba ng ating Pamahalaan.

FERDINAND V. ESTRELLA
Punongbayan