Baliwag Treasury, Isosoli ang Kinaltas na Loan Amortization sa mga Empleyado

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Handa na ang Tanggapan ng Ingat-Yaman na ibalik ang lahat ng loan amortization na kinaltas mula sa sweldo ng mga kawani at opisyal na may standing loan sa mga kapartner na institusyon ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag tulad ng LANDBANK, GSIS at Overseas Filipino Bank na dating Postal Bank. Bunsod ito ng paglabas ng Implementing Rules and Regulations ng Section 4a o ang Republic Act No. 11469 o ang Bayanihan to Heal As One Act na nagbibigay ng luwag sa lahat ng may mga utang sa panahon ng krisis habang nakataas ang Enhanced Community Quarantine dahil sa paglaganap ng nakakahawang sakit na COVID19. Hinikayat naman ni Mayor Ferdie Estrella ang mga kumpanya na ipatupad ito upang mabigyan ng luwag ang ating mga kababayan na walang maipangtutustos sa araw-araw.

i