Mahigit 50 Baliwagenyos, natulungan ng Baliwag COVID-19 Telemed Service!

Advertisements

Sa paglulunsad ng Baliwag COVID-19 Telemed Service noong nakaraang linggo, mahigit limampung (50) phone consultations na ang naitala galing sa mga Baliwagenyos.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga mamamayan sa nabanggit na serbisyo, sapagkat malaki ang naitutulong nito sa kanila.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi pa rin ng kanilang paghahanda laban kontra COVID-19 ang paglulunsad ng nabanggit na emergency hotline.

Layunin ng serbisyong ito, na matulungan at mapayuhan ang mga mamamayan na nakararanas ng mild na sintomas tulad ng pag-ubo, sipon, lagnat, sakit ng ulo at katawan, at hirap sa paghinga sa dapat nilang gawin.

Pinamamahalaan naman ito ng mga health volunteers tulad ng mga registered nurses at clinical instructors sa Baliwag.

Narito ang mga hotline numbers na maaaring tawagan:

Bukas ang nasabing Baliwag COVID-19 Hotline araw-araw, mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.

###