Bahay Pagbabago Reformists, Boluntaryong Gumawa ng Face Shields para sa mga Front liners

Advertisements

Gamit ang mga foam at acetates ay gumawa ng DIY facial shields ang mga reformists ng Baliwag Bahay Pagbabago Reformation Center upang maging tulong sa mga front liners na kasalukuyang kinakapos sa mga PPEs katulad ng facemasks, gloves at face shields.

Kahapon ay sinimulan na ng mga reformists ang kanilang pag-gawa ng face shields kung saan ay target nilang makagawa ng 700 piraso nito upang idonate sa mga frontliners sa ospital, check points at mga kawaning nagsasagawa ng relief operations.

Sa pamamagitan naman ng isang official Facebook post ay ipinahayag ni Mayor Ferdie ang kanyang pasasalamat sa ginawang ito ng mga reformist. Aniya,

“Para sa mga reformist ng Bahay Pagbabago.
Salamat sa inyong malasakit sa paggawa ng facial shield para sa ating mga anti-covid19 frontliners.

Ang laban sa covid19 ay hindi lang laban ng pamahalaan at ng mga frontliners – ito ay laban nating lahat.

At ang ikatatagumpay ng labang ito, ay nakasalalay sa pagsunod, pakikiisa at panalangin ng lahat.

#FightCovidWithFaith
#FightCovidWithCompassion
#WeFightAndWinAsOne”

Advertisements