Libreng almusal, handog para sa mga Baliwagenyo!

Advertisements

Pormal nang sinimulan kahapon Miyerkules ang bagong proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, katuwang ang Pamilya Estrella, na libreng almusal o “almushare” para sa lahat ng mga Baliwagenyo.

Sa paglulunsad ng nasabing proyekto, ito ay naglalayon na makatulong at makapagbigay ng libreng pagkain na kakasya mula 200 hanggang 600 na katao sa barangay.

Kasama sa nasabing proyekto ang mga kapitan at mga volunteer workers na magluluto ng mga pang-umagahang potahe gaya ng lugaw, sopas, sotanghon at iba pa. Isasagawa ito tuwing ika-6:00 ng umaga hanggang ika-8:00 ng umaga.

Sa pagsisimula ng Almushare, marami ng mga Baliwagenyos ang nais magpa-abot ng kanilang munting tulong, lalo na sa mga pamilyang lubos na naaapektuhan ng enhanced community quarantine.

Ayon sa lokal na pamahalaan, tinitiyak nila na patuloy ang pagbibigay ng Serbisyong May Malasakit sa lahat ng mga barangay, upang walang maiwan na Baliwagenyo, gaya ng direktiba ni Mayor Ferdie Estrella.

###

Advertisements