Mayor Ferdie, negatibo na sa COVID-19!

Advertisements

Kahapon Martes ay idineklara na ni Mayor Ferdie Estrella sa kaniyang official Facebook page na siya ay magaling at negatibo na sa COVID-19.

“Thank you sa lahat ng prayers nyo! God is good. My second test for covid 19 is NEGATIVE. Salamat sa inyong lahat na nagdasal para sa akin. Konting tiis nalang at magkikita kita na tayo ulit. Mahal ko kayong lahat.”

Labis naman kinatuwa ng mga Baliwagenyo at mga taga-suporta ng punongbayan ang magandang balita.

Ayon kay Andreicel Castro Reyes, “Salamat naman ok na ang haligi at ama ng bayan ng baliuag.”

Sinang-ayunan din ito ni Michael Manlapaz Yumul. Aniya, “God is good po Mayor! Marami pong nagmamahal sa inyo! Ang aming mga panalangin ay dininig na ng Panginoon dahil mabuti po kayong tao. Palakas po kayo! God bless po”

At para naman kay Arnel San Juan, “Praise god, palakas po kayo mayor, mahaba pa po laban natin….”

Tunay nga na nanabik ang lahat sa pagbabalik ni Mayor Ferdie sa Baliwag para sa tuloy-tuloy na Serbisyong May Malasakit, lalo na sa panahon ng krisis na kinahaharap ng bansa dahil sa nabanggit na virus.

Matatandaan na noong ika-17 ng Marso 2020, ipinabatid din ng alkalde sa kaniyang social media account na siya ay naging positibo sa COVID-19 matapos makaramdam ng mga sintomas nito.

###

Advertisements