Tulong Baliwagenyo Food Packs Nagsimula ng Umarangkada!

Advertisements

Umalis na upang mamahagi ng mga food packs sa bawat tahanang Baliwagenyo ang mga trucks na naglalaman ng paunang tulong ng butihing Mayor Ferdie Estrella para sa kanyang mga minamahal na Baliwagenyo.

Masigasig na iginagayak ang mga food packs na ito ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan na nag-volunteer upang makatulong sa kanilang mga kapwa Baliwagenyo.

Target na makagawang 40,000 food packs upang ipamahagi sa bawat household sa bayan.

Para mapanatili ang social distancing ay inabisuhan na sa pamamagitan ng social media ang bawat isa na maglabas na lamang ng upuan sa harapan ng kani-kanilang upang doon ilagay ang mga food packs. Sa tulong at kooperasyon ng ilang barangay volunteers ay mabilis na naipamahagi ang unang batch ng food packs

Inaabisuhan ang publiko na mag-antay lamang sa kani-kanilang mga tahanan para sa kanilang food packs sapagkat lahat naman ay pipiliting mabigyan sa mga darating pang araw.

Patuloy na ginagawa ng pamahalaang bayan, sa pangunguna ni Mayor Ferdie ang kanilang mga tungkulin upang mabigyang ayuda ang bawat Baliwagenyo sa panahon ng krisis na ito. Labis na kinakailangan ang kooperasyon ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin ng gobyerno, katulad ng social distancing, proper handwashing at ba pa upang mapigililan ang pagkalat ng virus.