Baliwag News Service

Baliwag ECQ Pass System, ipinatupad na!

Advertisements

Pormal nang ipinatupad ngayong linggo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) Pass System sa buong Baliwag, upang malimitahan ang paglabas ng mga tao sa kasalukuyang pinaiiral na lockdown sa buong Luzon.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang nasabing Baliwag ECQ Pass Policy ay binubuo ng apat na (4) klaseng pass — Home Quarantine Pass, Traveler’s Pass, Special Travel Pass at Front-liner’s Pass at lahat ito ay libre o walang bayad.

HOME QUARANTINE PASS

Isa kada pamilya lang ang bibigyan nito, upang makalabas mula 5:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon para bumili ng pagkain o gamot.

Sa mga special cases, kung parehong senior ang nasa bahay, o isang senior at isang bata, bibigyan pa rin ang isa sa kanila, mamili na lang ang pamilya, subalit mahigpit na tinatagubilinan ang mga Barangay Official na alalayan sila sa paglabas.

TRAVELER’S PASS

Ito ay ibibigay ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa mga kumpanya na nasa Baliwag na maaaring mag-operate lamang ngayong nakataas ang Enhanced Community Quarantine. Para lang din ito sa mga nagtatrabaho sa Baliwag subalit umuuwi sa ibang bayan.

Ayon kay BPLO Head Officer Nilo Fernando, sa mga nais kumuha ng Traveler’s Pass, ang authorized representative lamang ng mga kwalipikadong kumpanya ang maaaring pumunta sa Baliwag Business Center.

Aniya, kailangan lamang nila magpasa ng application letter, kung saan nakasulat ang mga pangalan ng kanilang empleyado, saan nakatira at pirmado ito ng may-ari ng kanilang pinagtatrabahuhan.

Dagdag pa niya, sa ganitong paraan ay hindi maiipon ang mga kliyente at masusunod ang social distancing sa nasabing tanggapan.

SPECIAL TRAVEL PASS

Para sa Special Travel Pass, ito ay ipagkakaloob lamang ng Municipal Economic and Enterprise Management (MEEM) sa mga kumpanya na mag-aangkat o maghahatid ng mga produkto sa ibang bayan o lungsod.

Sa mga nais kumuha ng nasabing pass, maaari ring pumunta sa Baliwag Business Center at ipakita lamang sa ang proof of order at sales invoice.

FRONT-LINER’S PASS

Ipagkakaloob lamang ito sa mga taong na nasa pribado at pampublikong sektor na direktang katuwang sa laban kontra COVID-19 ng Baliwag gaya ng medical, disinfection, public order and safety, relief operations, logistics at transportation.

Gayunpaman, mahigpit pa ring pinapaalalahanan ng Pamahalaang Bayan ang mga Baliwagenyo na hangga’t maaari ay manatili sa kani-kanilang mga tahanan at ugaliing maghugas ng mga kamay, lalo na ang buong katawan.

Para naman sa mga nakararanas ng sintomas ng COVID-19 o mga katanungan ukol dito, maaaring tumawag sa mga numerong ito:

###