Libreng sakay para sa mga front-liners, handog ni Mayor Ferdie!

Advertisements

Pormal nang umarangkanda kahapon Biyernes ang libreng trike service ng Tanggapan ni Mayor Ferdie Estrella, bilang tulong sa lahat ng mga Baliwagenyong front-liners na patuloy na naglilingkod kontra COVID-19.

Dahil sa pagsususpinde ng mga pampublikong sasakyan ngayon, kasabay ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, minabuti ni Mayor Estrella na ipagamit ang pitong (7) motoposh trike ng lokal na pamahalaan, upang makatulong sa lahat ng mga front liners na pumapasok sa kanilang trabaho.

Narito ang naturang ruta at iskedyul para sa libreng sakay:

Sinisigurado naman ng Pamahalaan ng Bayan ng Baliwag na araw-araw nililinis ang bawat trike, upang masigurado ang kaayusan at kaligtasan ng bawat front-liners na sasakay dito.

###