COVID BUSTERS MULING UMARANGKADA

Advertisements

Muling nag-disinfect sa Baliwag partikular sa St. Augustine Church ang Baliwag Covid Busters upang masigurado ang kalinisan ng mga pampublikong lugar sa bayan.

Suot ag kanilang protective gears ay nagspray ng disinfectant ang team sa loob ng Simbahan ng San Augustine at sa buong paligid nito.

Noong nakaraang mga gabi naman ay nag-disinfect din ang team sa palibot ng Glorietta, Baliwag Public Market, bangko at iba pang mga lugar sa bayan.

Kaugnay nito ay may kanya-kanyang disinfecting activities din na ginagawa ang bawat baranggay sa kani-kanilang nasasakupan sa tulong ng ilang pribadong volunteer groups na nagpapahiram ng fire trucks.

Magpapatuloy ang pag arangkada ng Baliwag COVID BUSTERS sa mga darating na araw upang matiyak ang kalinisan sa mga pampublikong lugar sa Baliwag at mapigilan ang posibleng pagkalat ng virus.