Four-Day Work Schedule, Ipapatupad sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag!

Advertisements

Alinsunod sa Memorandum Circular No.07  s. 2020 ng Civil Service Commission  ay sisimulan na sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang pagpaptupad ng Four-Day Work Schedule ito ay para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kawani pati na rin ang pagpapanatili ng pagseserbisyo publiko para sa mga Baliwagenyo.

 

Maliban sa tanggapang ng RHU’s, Mayor’s Office, MA’s Office, PIO, Baliwag WebTV, ARO, MSWDO, LCR, CAO, Nutrition& Population Office, HRMO, MDRRMO, PACC, BTMO, Sanitation Office at Public Market ang lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Bayan ay magbubukas lamang mula ika-8 ng umaga hang ika-7 ng gabi mula Lunes hanggang Huwebes.

Ang mga tanggapang magbubukas naman tuwing araw ng Byernes ay mananatili sa Community Affairs Office kung saan ito ay magiging one-stop shop para sa pangagailangan ng mga kliyente, magbubukas ito mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.

Sa pagsunod sa direktibang ito ay hangad ng Pamahalaang Bayan na maingatan at mapaglingkuran ang mga Baliwagenyo lalo na sa mga ganitong sitwasyon ng hindi binabalewala ang kapakanan at kaligtasan ng mga kawani. Naglagay na rin ng mga Triage Area sa bawat Entrance ng Munisipyo kung saan may alcohol at thermal scanner para sa mga papasok sa munisipyo.

 

Patuloy din ang mga pagpupulong para sa update at karampatang aksyon ang binuong task force ng Baliwag laban sa COVID-19.

Samantala ay nanatiling walang pasok sa lahat ng antas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Baliwag hanggang Marso 23.

WALANG PASOK