Baliwag – Handa na sa NSED

Advertisements

Matapos ang ilang buwang paghahanda para sa gaganaping malawakang Earthquake Drill ay handang handa na ang Municipal Risk Reduction and Management Office katuwang ang BFP.

Gaganapin ang National Simultaneous Earthquake Drill sa Huwebes, ika-12 ng Marso taong kasalukuyan sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan susukatin ang kahandaan ng bawat isa kung sakaling may dumating na katulad na sakuna sa kanilang nasasakupan. Layunin ng programang ito na maipakita ang mga nararapat gawin kapag may lindol at iba pang sakuna buhat dito.

Iaasahan ng Baliwag MDRRMO ang pakikiisa ng bawat isa sa katuparan at tagumpay ng pagsasanay na ito.

Ang nasabing NSED ay lalahukan ng mga Paaralan, mga Establisyemento sa ating bayan (Pampubliko at Pribado) na pangungunahan ng ating Pamahalaan Bayan katuwang ang mga Barangay DRR Councils.
Isinasagawa ang naturang NSED upang lalong higit na maihanda ang bawat Baliwagenyo sa mga kalamidad na maaring maranasan ng ating bayan, alinsunod sa adbokasiya ng Punong Bayan Ferdie Estrella na matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng bawat Baliwagenyo.

Para sa iba pang impormasyon patungkol sa NSED 2020 ay maaring makipag-ugnayan sa Baliwag Malasakit  Hotline 0917-505-STAR (7827) o ilike at ifollow ang mga Official Social Media Accounts ng Bayan ng Baliwag

 

#NSED2020 #bidaanghanda #yestobaliwagcity