Baliwag News Service

PAGSABOG SA PAGAWAAN NG PAPUTOK

Advertisements

Malala ang kundisyon ng biktimang si Angelito Garcia, limangput dalawang taong gulang, residente ng Barangay Sto Nino, Baliwag Bulacan, matapos ang pagsabog na nangyari sa pinagtratrabahuhan nitong Pagawaan ng Paputok sa pagitan ng 12:00 – 12:20 ng tanghali sa Barangay Tarcan Sitio Mulawin Bata. Itinawag ng isa sa mga residente ng nasabing lugar na si Joel Angeles sa Tangapan ng Disaster Risk Reduction and Management Office ang naturang insidente, na agarang nagpapunta ng Ambulansya, Emergency Medical Response Team, Fire Truck katuwang ang Burea of Fire Protection at Sto Cristo Fire Truck. Rumispunde rin ang AC DC Tarcan rescue katuwang ang Kapitan ng nasabing Barangay. Inabutan ng Rescue team ang biktima sa lugar ng insidente na nagtamo ng 1st to 3rd degree burns sa katawan at muka nito, agarang nagbigay ng pangunang lunas ang medical responders at isinakay sa ambulansya ang biktima upang madala sa ACE medical center, habang ang fire rescue team ay agarang inapula ang apoy.

Sa mga oras na ito ay hindi pa ganap na matukoy ang dahilan ng pagsabog at kasalukyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Baliwag Burea of Fire Protection. Ang biktimang si Angelito Garcia ay kasalukuyang lulan ng Ambulansya ng Bayan ng Baliwag patungo sa Jose B. Lingad Medical Center sa San Fernando Pampanga, matapos na inisyal na magamot sa ACE Medical Center Baliwag.

Personal na nagpahayag ang Punong Bayan Mayor Ferdie Estrella ng pagtulong sa biktima at agarang tinalaga ang Municipal Social Welfare and Development Office at Community Affairs Office upang tiyakin na ang Pamahalaang Bayan ay makatulong sa ikabubuti ng kondisyon ni Ginoong Angelito Garcia.