Nitong nakaraan Pebrero 27, 2020 ay isinagawa ang unang pagpupulong para sa taong 2020 ng Baliwag DRRM Council sa pangunguna ng Punong Bayan, Mayor Ferdinand V. Estrella. Ang naturang pagpupulong ay nakatuon sa higit pang pagpapabuti at pagpapalawig ng mga aktibidad at programa na mag titiyak sa kaligtasan at kahandaan ng bawat Baliwagenyo sa ating Bayan. Katuwang ang ibat ibang tanggapan (lokal at nasyonal) ay nagsusog ng mga ordinansa at resolusyon ang council na tutugon sa ilan sa mga usapin hinaharap ng Bayan patungkol sa kaayusan.
Ilan sa mga napag usapan ay ang pagtugon sa tumataas na insidente ng Vehicular Accidents na may kinalaman sa “drunk driving” o ang mga nasabing biktima ng insidente ay napatunayang nasa impluwensya na alak o “alcohol” at may paglabag sa batas trapiko sa hindi pagsusuot ng karampatang “protective equipment” tulad ng helmet habang nag momotor. Dahil sa mga datos na naipresinta ng Tanggapan ng DRRM, napag desisyunan ng Konseho na iakyat ang resolusyon nito, na paigtingin ang pagpapatupad ng pag iimplementa ng “No Helmet No Ride” policy, Apprehension of Drunk Drivers at pagtatalaga ng mga checkpoint na magtitiyak na ang bawat motorista ay tumatalima sa mga batas na ating pinaiiral sa Bayan. Magsasagawa ng malawakan kampanya sa pagpapaigting sa patuloy na pagiimplementa ng mga nasabing batas. Magsasagawa din ng pagpapabuti sa mga serbisyong naka angkla sa nasabing adbokasiya sa pamamagitan ng pagbili ng mga modernong kagamitan na higit na makakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat Baliwagenyo, tulad ng mga breath analyzer na makatutukoy sa mga motoristang nagmamaneho habang nasa impluwensya ng alkohol, speed guns and speed calculator points na makakatulong sa pag tukoy sa mga motoristang lumalabag sa Ordinansang Pambayan patungkol sa Itinakdang Speed Limit sa bayan.
Natalakay rin ang mga programang magpapalakas pa sa bawat Barangay Rescue Response Team sa pamamagitan narin ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council sa superbisyon ng MDRRMC. Ang paglilinang sa kakayanan ng bawat barangay na tumugon at magbigay ng emergency rescue management sa bawat biktima ng ibat ibang uri ng insidente. Kasama narin dito ang pagtitiyak na ang bawat Barangay ay may sapat na kagamitan para sa pagsasagawa ng mga Search and Rescue Response Activity. Kaugnay narin sa pagpapalakas sa komunidad ay ang pagsasanay at konsultasyon na ginagawa sa bawat Pampubliko at Pribadong mga Paaralan sa ating Bayan. Sa adbokasiya ng Punong Bayan ay inatasan nito ang Tanggapan ng DRRM na tiyakin na ang bawat paaralan ay mayroong organisadong grupo na tutugon sa mga insidente na maaring mangyari sa kani kanilang paaralan at sapat ding mga kagamitan para masiguro ang kaayusan at kahandaan ng bawat paaralan.
Ilan din sa mga naging usapin ay ang mga aktibidad para sa Fire Prevention Awareness Month, Nationwide Simultaneous Earthquake Drill at ang pag aapruba ng mga bagong “Early Warning Signages” na ialalagay sa mga lugar sa ating bayan na nagkakaroon ng malimit na aksidente at pagbaha, at mga paalala sa pagtugon sa mga ordinansang Pambayan.
Advertisements Narito ang naging resulta sa laban ng Brgy. Sta Barbara at Brgy. Paitan na ginanap nuong dec.6 sa 2nd MFVE inter Barangay Basketball League. Ang nag wagi sa larong ito ay ang brgy. Sta barbara. Pinangunahan ni Inoc na nag tala ng may pinakamaraming buslo na may 34 puntos at sinundan ni Alabado na […]
Advertisements The Executive and the Legislative Branches are both working doubly hard to tackle and passed key legislations that will hopefully address gaps. The Executive Branch have endorsed to legislative branch various priority bills in line with the agenda of Mayor Ferdie V. Estrella. These are: 1. The 2017 Revenue Code 2. The PPP Board […]
Advertisements Tinupok nga kanina mga bandang 4:20 ng hapon ang mga lumang gusali ng Philippine National Police, Municipal Agriculture Office at kasalukuyang inookupa ng General Services Division-Mainetenance and Logistics Section. Ang lumang gusali na ito ay itinayo higit na ngang mga 15 taon na at nilisan ng PNP dalawang buwan na ang nakalipas matapos na […]