Baliwag News Service

Atsa Tibag Tinanghal na 4th MFVE Inter Barangay Basketball League Champs kontra Brgy. Tiaong

Advertisements

NANAIG ang Atsa Tibag kontra karibal na Brgy. Tiaong para masungkit ang kampeonato sa 4th MFVE Inter Barangay Basketball League.

Isang mainit na 4th quarter run ang pinakawalan ng Brgy. Tibag para tuluyang iwan ang Brgy. Tiaong, 94-85, at maagaw sa kanila ang korona.

Umpisa pa lang ng laban, agad na ipinakita ng Brgy. Tibag ang determinasyon. Lumamang pa sila ng 6 sa pagtatapos ng unang quarter, 24-18.

Pagdating ng ikalawang quarter, pinilit ng Brgy. Tiaong na bumalik sa laban sa pamamagitan nina Earvin Javier, Bryan Sevilla at Lester Santos.

Nagtapos ang unang half iskor na 49-34, lamang ang Atsa Tibag.

Tinanggap ni Aries Rivera ang kaniyang Season’s Most Valuable Player award nitong Sabado.

Hinirang naman na Finals MVP si Jhamill Alejandro.

Pinarangalan naman na 3rd Runner up ang koponan ng Brgy. Subic.

Samantala, 2nd Runner up naman ang koponan ng Brgy. Virgen Delas Flores at 1st Runner up para sa koponan ng Brgy. Tiaong.

Ang 4th MFVE Inter Barangay Basketball League ay isa sa mga proyekto ng Administrasyong Estrella na naglalayon na palakasin at hasain ang kakayanan ng mga kabataang Baliwagenyo sa Larangan ng Pampalakasan.

Sa Ngalan ng Serbisyong May Malasakit!

 

Advertisements