Ika-2 kampeonato hangad ng Brgy. Tiaong! Brgy. Tibag hindi magpapatalo!

Advertisements

HINDI naging madali ang naging daan para sa Brgy. Tiaong upang muling makatuntong sa Finals. Kinailangan nilang talunin ng 2 beses ang Brgy. VDF upang muling makamit ang titulo na nakuha nila noong 2017, muling pinakita ng mga manlalaro ng Brgy. Tiaong sa pangunguna ni dating 2017-18 finals mvp na si Earvin  Javier at katuwang  sina Acuña at Santos na nag pakita ng tibay ng  puso at pangarap na muling makuha ang kampeonato.

Subalit hindi naman basta mag papadaig ang koponan ng Brgy. Tibag sa pangunguna ni Aries Rivera na muling makatapak sa finals sa dalawang sunod na taon na makuha ang titulo ngayong 4th season. Noong nakaraang taon ay naging mailap ang kampeonato sa kamay ng mga taga Brgy. Tibag sa pagkat tinalo sila ng Brgy. San Roque para sa titulo. Kaya ngayon ay sisiguruhin ng koponan na hindi na nila palalampasin ang pagkaka taon  para makuha ang korona.

Kaya inaasahan na magiging ka pana-panabik ang best of 5 series na mag sisimula sa lunes January 13 sa ganap na alas 8:30 ng gabi para sa tatanghalin na kampeon ng 4th MFVE Inter Barangay Baketball League sa pagitan ng Brgy. Tibag at Brgy. Tiaong. Bago magsimula ang laro ng championship ay mauuna muna ang laban ng Brgy. VDF at Brgy. Subic para sa 3rd and 4th place, gayun din ang pag kakaroon ng 3 pts shoot out.

Sa Ngalan ng Serbisyong May Malasakit!