Abangan! Semi-Final Round sa 4th MFVE Inter Barangay Basketball League

Advertisements

MGA pasok na koponan sa 4th MFVE Inter Barangay Basketball League : Brgy. Tibag, Brgy. Virgen Delas Flores, Brgy. Tiaong at Brgy. Subic!

Nag bunga ang sipag at pagtitiyaga ng Brgy. Tibag at Brgy. Subic upang makuha ang twice to beat advantage, sapagkat isang panalo na lang ang kanilang kailangan upang lalong mapalapit sa kampeonato. Hindi naman magiging madali ang daan para sa Brgy. Virgen at Brgy. Tiaong upang makarating sa finals gayong kailangan nilang talunin ng dalawang beses ang Brgy. Tibag at Brgy. VDF bago sila makarating sa finals.

Kaya inaasahan na magiging kapana-panabik ang pagtutunggali ng bawat koponan sa semi finals.

Ang 4th MFVE Inter Barangay Basketball League ay isa sa mga proyekto ng Administrasyong Estrella na naglalayon na palakasin at hasain ang kakayanan ng mga kabataang Baliwagenyo sa Larangan ng Pampalakasan.

Sa Ngalan ng Serbisyong May Malasakit!

Advertisements