Baliwag News Service

Baliwag LGU nurse, kinilala bilang Most Outstanding Public Health Nurse 2019 sa buong Bulacan

Advertisements

Kinilala bilang Most Outstanding Public Health Nurse 2019 si Baliwag Municipal Public Health Nurse Officer, Maricel B. Sison, dahil sa kaniyang galing, husay at dedikasyon sa kaniyang napiling propesyon.

Ayon kay Sison, lubos ang kaniyang pagpapasalamat sa natamong karangalan hindi lamang para sa kaniya, kung hindi inaalay din niya ito para sa bayan ng Baliwag. Dagdag pa niya, mas lalo niyang pagbubutihin ang kaniyang trabaho at patuloy na ipadarama ang Serbisyong May Malasakit para sa lahat ng mga Baliwagenyong nangangailangan ng atensyong medikal.

Lubos naman na kinatuwa ni Mayor Ferdie V. Estrella ang nakuhang parangal ng Baliwag LGU Nurse. Aniya, siya ay naniniwala na karapat-dapat na manalo si Sison, dahil sa kaniyang mga pinakikitang katangian ng isang mabuti at magandang ehemplong nurse ng bayan: may malasakit sa kapwa, nagpapamalas ng empatiya sa kaniyang mga pasyente at higit sa lahat dedikado sa kaniyang propesyon.

 

Noong nakaraang Biyernes, ika-06 ng Disyembre ay pinarangalan si Sison ng Philippine Nurses Association (PNA)-Bulacan Chapter bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng 31st Annual Regional Convention for Nurses in Region III sa The Garden Event Center Lakewood Golf & Country Club, Cabanatuan City.

Si Maricel B. Sison o mas kilala bilang Nurse Cel ay 17 na taon ng nagsisilbi at nagbibigay ng kaniyang serbisyo sa bayan. Siya ay na naging Nurse II noong taong 2003-2008 at naging Nurse III noong 2008 hanggang sa kasalukuyan sa Pamahalaan ng Bayan ng Baliwag.

Advertisements