Baliwag News Service

Statement mula sa Tanggapan ng Punongbayan Ukol sa Pagkalat ng Balitang Pagdukot sa mga Kabataan gamit ang isang Van

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Matapos nga na ulanin ng mga mensahe ang Baliwag Public Assistance and Complaints Center patungkol sa pagkalat ng balita na diumano ay may nandudukot sa mga kabataan gamit ang isang van, minabuti ng Tanggapan ng Punongbayan na maglabas ng pahayag upang mahinto ang mga ganitong uri ng pananakot at labis na pagaalala sa ating mga kababayan. Naririto ang pahayag mula sa Tanggapan ng Punongbayan

Para sa mga Nangangambang Kabataan:

Mula kanina hanggang ngayon ay inuulan ako ng mensahe ukol sa naganap na pagdukot diumano sa isang kabataan ng mga hindi nakikilalang tao gamit ang isang van.
Ang ganitong kaso ng pagdukot sa mga kabataan upang diumano kuhanin ang kanilang “body organ” ay hindi totoo at gawa-gawa lamang. Walang report sa ating kapulisan, maging sa ibang bayan ng parehas na insidente.
Bagama’t nais kong aminin na may nangyaring insidente ng pagdukot noong isang lingo sa dalawang batang babae, parehas namang nakabalik ang dalawa. Ang isa ay nakatalon sa van at agad naman siyang nakahingi ng tulong sa barangay. Ang isa naman ay kusang ibinalik ng van kung saan sila kinuha. Ito ay itinuturing na kakaibang kaso at hindi dapat ihanay sa mga kwento patungkol sa pagdukot gamit ang van. Masasabing ito ay isolated case na pinagsisikapan ng ating kapulisan na matukoy at mapanagot sa batas.
Gayon pa man ay nais kong paalalahanan ang mga kabataan na umuwi ng maaga at huwag magpagala-gala sa gabi lalo na kung walang kasamang nakatatanda. Huwag din makipag-usap sa hindi kakilala at huwag tumanggap ng anumang imbitasyon na sumakay sa kanilang sasakyan at sila ang maghahatid sa inyong tahanan. Iba pa din ang maingat at laging alerto.
Nais ko naman na ipanatag ang inyong mga sarili at huwag basta maniwala sa mga posts na sadyang ginawa upang maghasik ng kaguluhan, pangamba at takot sa publiko. Huwag din kayo basta share ng share kung hindi naman ito validated posts. Basahin ninyo ang mga komento, laliman ang pagsusuri sa nasabing post kung ito ba ay totoo o hindi. Tandaan, ishare lamang ang mga posts na mahahalaga, napatunayan at nagmula sa mga mapagkakatiwalaang source. Marami dyan ay para makakuha lamang ng atensyon o followers para sumikat o para sa pansariling interes. Be better than that. Be a critical thinker and do not “share” dumbfounding posts even if it is easier to do that. As the wise put it, “THINK BEFORE YOU CLICK.”
Let me assure you that despite the sheer number of policemen and policewomen in Baliwag, they remain to be effective, vigilant and fierce in keeping us safe. Checkpoints are regularly conducted 24/7 on various locations. After all, PNP Baliwag was recognized as Best Municipal Police Station for two consecutive years. The barangay peace action keeping force are also alerted for isolated crimes in your areas.
The Local Government of Baliwag remains committed in fighting criminality. Baliwag will continue to invest on programs that will not only help solve crimes but also, deterrent to crimes such as our command center that maintains close to 300 closed-circuit cameras all over town and we intend to invest more to cover more areas. Your command center keeps an eye of you 24/7.
Bilang pangwakas, nais kong magbigay babala sa mga kabataang nais na maghasik ng pananakot, pangamba at pagkalito sa ating mga kababayan na itigil ang mga ganitong gawain at sinisiguro kong mapapanagot kayo sa ilalim at bigat ng ating batas.
Sa mga kabataang Baliwagenyo at sa mga bumibisita, namamasyal, nag-aaral, nanliligaw o nagpapaligaw, nagdedate at ano pa man ang magandang pakay nyo tulad ng sinabi ni St. John of Bosco, “run, jump, shout but do not sin.” Let not an unreliable post keep you from worrying and prevent you from being happy. Baliwag is a safe place for everyone.

Advertisements